FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Sunday, December 28, 2008

BAGOONG...


Marami sa atin ang sarap na sarap sa bagoong. Oo nga naman, lalu't-lalo na kapag may kasamang hilaw na mangga. Masarap na ay mura pa. Iyon nga lang ay hindi malinis ang paggawa nito at kitang-kita ang pruweba ng ipinalabas sa "imbestigador" ni Mike Enriquez ang pag-proseso ng ilang sa mga nagnenegosyo nito.

Simula noon ay tumigil na akong kumain ng bagoong. Kuntento na lamang ako sa toyo at suka kapag gusto kong kumain ng manggang hilaw.

Tignan natin ang ibang simbolismo ng bagoong.Ito ay mura at laging ulam ng mga mahihirap nating kababayan. Sa kabila ng katotohanan na hindi tiyak ang kalinisan nito, hindi pa rin maiiwasan na ito ang tanging tinatangkilik ng karamihan.

Bakit? Sapagkat ito ay mura. Puwede pang mautang sa kalapit na tindahan, ayon kay Ginang Ledesma, na umaasa lamang sa kakarampot na suweldo ng kanyang asawa na karpintero. Kapag may itatayong bahay, may sahod siya. Kapag wala, puro sila utang.

Simbolismo ng kahirapan ang bagoong. Masarap at masakit ang katotohanan sa amoy nito.

Larawan ay mula sa www.skokienet.org

No comments: