FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Tuesday, December 30, 2008

Kape..


Kape ka ng kape. Alalay lang kaibigan at baka tubuan ka ng nerbiyos. Ilang baso ng kape ang kaya mong inumin sa isang araw? Ang "caffeine" kapag sumobra ay hindi maganda ang dulot nito sa ating kalusugan.

Pero hindi kita masisi. Kelangan mo magkape para kaya mong tumagal sa puyatan o overtime sa upisina. Dagdag din sa gastos ninyo iyon para sa iyong pamilya.

Kailangan mo rin magkape para gisingin ang diwa mo sa umaga upang hindi ka antok sa upisina. Kape ang gamot mo upang gisingin ang iyong inaantok na diwa.

Sino ba naman ang hindi aantukin sa baba ng sahod at mahal na bilihin? Karamihan sa mga manggagawa ng pamahalaan ay lubog na sa utang. Mula sa five-six hanggang sa napakahabang listahan ng kanilang utang sa tindahan ng kapitbahay. Minsan kelangan pa nilang iwasan dumaan sa lugar ng kanilang pinagkakautangan upang hindi makarinig ng pambubuska.

Ang mga ito ay karaniwan na sa buhay ng isang empleyado ng gobyerno na hirap sa pagkakasya sa sahod dahil sa mataas na mga presyo ng bilihin na kailangan nila sa araw araw. Kulang na kulang, katunog ng kanta ni Claire dela Fuente na "Sayang". Maraming nasasayang na pangarap sahil sa kawalan ng oportunidad.

Hayan tuloy at maraming umaalis upang makipagsapalaran sa ibang bayan. Pero marami naman ang nagsipagbalikan sa Pilipinas dahil naghihirap na rin sa ibang bansa.

Tanong ko: Hanggang kelan ka magkape? Teka, aking baguhin ang tanong: hanggang kelan maghihirap ang pinoy?

Payo ko: Huwag umasa sa wala. Umasa sa sarili.

No comments: