FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Sunday, January 18, 2009

Alitaptap



Kumukurap kurap
Ikaw ay aking naaaninag
Madilim na paligid
Tila awit aking nababanaag
Alitaptap, alitaptap
Dumapo ka sa aking palad...

Masdan mo ang paligid
Nakikita mo ba
ang nakikita ko?
Pakinggan mo ang tinig
Naririnig mo ba ang
naririnig ko?

Sila ang laman ng kalye
Lagalag walang tahanan
Lupa ay nagkukulang
Sumisikip ang mundo
Mundo ng kawalan

Pagkain ay pinupulot
Sa mga kainan at basurahan
Walang mapagkukunan
Ng sapat na kabuhayan

Nasaan na ang Pilipino
Bakit nagsisipaglayo?
Bakit ang bayan, iniiwanan?
Dahil sa trabaho
Hindi mabahaginan?


Alitaptap, alitaptap
Halika sa aking palad
Liparin mo ang aking diwa
Ikalat mo sa madla
Patakan mo ng pag-asa
Ang bawa't biyak na kaluluwa
Ipakita mo ang liwanag
Sila ay mga Filipino
Matatag at makatao


Larawan:Hango dito.

No comments: