FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Friday, January 9, 2009

Chat

Kaninang umaga ay nagulat ako dahil meron gusto magpa-add na contact ko sa yahoo messenger. Hindi kasi ako iyong tipo na chat ng chat sa ym. Mas gusto ko pang magsulat na lang o di kaya ay lumahok sa debate sa mga forum dito sa internet. Hindi ko pinansin at hinayaan ko na lang na ang baby girl ko ang sumagot dahil mas mabuti na ang ganoon.

Pero makulit ang isang ito. Dami niyang sinabi sa akin na dahilan kung paano niya ako natagpuan sa internet. Pinaliwanag ko sa kanya na ako ay umiiwas sa long chat dahil hindi ko gusto masayang ang oras ko sa mga bagay na hindi mahalaga. Marami siyang mga sinasabi na salungat sa una niyang naturan.

Nahahalata kong hindi pakikipagkaibigan lang ang gusto niya...mas malalim pa dito.

Maraming tao ang mapaglaro sa internet dahil may laya silang magpanggap ng pagkatao na salungat sa tinatago nilang anino. Depende na lang iyon sa tumatanggap.

Huwag maging inosente at baka maging biktima ka ng isang taong may madilim na hangarin. Marami ang mababait at meron namang iilan na mapagsamantala sa kabaitan ng iba. Maging
mapanuri at matalino. Huwag naman isara ang pintuan ng pakikipagkaibigan.

Mapalad ako at may mga totoo akong mga kaibigan sa internet.

2 comments:

Aihara Ramintessah Sanchez said...

hi sis! nice advice sis.love your articles here.practical and realistic!

Bai Maleiha B. Candao said...

Thanks for your visit, sis. Take care. I am glad you enjoyed this blog. :)