FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Wednesday, January 7, 2009

Kaartehan..



Wala akong paboritong artista. Wala akong iniidolo. Subali't hindi ko lang maiwasan ang sobrang kaplastikan na bumabalot sa karamihan sa kanila. Nakakatawang isipin na ang mga artistang babae ay nagpapasiklaban sa klase ng bag meron sila.

Kumpetisyon sa "brand" ng bag at sapatos. Bakit kailangan pang branded? Kaartehan. Nakakainis rin madalas sa mga okasyon dito sa aking probinsiya. Bawa't babae ay nais maging prinsesa kahit wala sa dugo at lahi. Akala kasi ng iba, kapag may pera at kapangyarihan ka ay ganap ka ng prinsesa o prinsipe. Hellooo...nasa lahi po iyan. Nasa dugo at wala sa pera.

Hindi po ako mayaman. At hindi po ako mahilig sa mga gamit na branded. Para sa akin, basta malinis at maayos ang aking mga gamit, tama na po iyon. Masyado lang po akong metikolosa sa kalinisan ng katawan, pero hindi po ako maarte sa mga kagamitan. Subali't nasa dugo ko po ang dugo ni Sultan Kudarat..ama po siya ng lolo ng lolo ko sa ama mula sa angkan ni Sultan Pulalun na nagmula sa ugat ni Sultan Kudarat.

Kahit sa panahon na may kakayahan akong mamili ng mas mahal sa mura, mas gugustuhin ko pa rin ang mura na mga gamit dahil sa pagiging praktikal ko sa sarili. Napakarami po nating mga kapatid na Pinoy na naghihirap at walang makain.

Ayaw ko sa kaartehan na wala sa lugar. Mahirap na iyong laging nagpapanggap.Ang pagiging totoo sa sarili ay isang bagay na dapat hangaan sapagka't ang buhay na walang maskara ay dapat ipagmalaki.

2 comments:

Aihara Ramintessah Sanchez said...

ouch sis!lol.mahilig po ako sa branded,peo bumibili lang po ako pag maluwag ang budget.and i just buy branded items kung my quality cya.

Bai Maleiha B. Candao said...

Okay lang naman kapag kaya mo. Minsan kasama rin sa pagiging praktikal ang pagbili ng mga matitibay na gamit na matibay at pang-matagalan na gamitan, tulad ng office o di kaya ay school items. Karapatan mo naman gawin gusto mo... Salamat sa bisita. :)