FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Wednesday, January 7, 2009

Mahiwagang Kwento..


Mayroon po akong kuwento sa inyo. Ito po ay naganap nung ako ay pinuno pa ng ahensiya na isang sangay ng pamahalaan noong 1991. Ako po ay nagsagawa ng isang seminar-workshop para sa mga kabataan ng Tawi-tawi at Sulu. Mayroon po akong mga kasama at isa rito ay isang matalik na kaibigan na tawagin na lang nating Tita.

Magkasama kami ni Tita sa isang kuwarto ng hotel sa Zamboanga City. Nakalimutan ko na po ang pangalan ng hotel na iyon subali't ang pangyayari dito ay hindi ko malilimutan.

Mula Cotabato City ay tumuloy pa kami sa barter trade sa Zamboanga para sa isang mahalagang dahilan. Dahil po sa pagod sa biyahe,ay agad kaming tumuloy na sa kwarto upang makapagpahinga at maging handa sa biyahe kinabukasan patungong Tawi-tawi.

Habang nasa loob ng banyo si Tita, ay napansin ko ang isang puting-puti na pusa na nakapasok sa loob ng hotel. Lubos akong nagtaka dahil pinid na pinid ang pintuan ng aming kwarto at maging ang room boy na naghatid ng aming mga bagahe ay walang dalang pusa o nakabuntot man lang na pusa sa kanya. Hindi ko na lang pinansin.

Ng lumabas si Tita sa banyo at nagpahinga, tinanong ko kung nasaan na ang pusa dahil naging abala ako sa pagligpit ng aking mga gamit. Dahil siguro sa antok ay hindi na rin napansin ni Tita ang tungkol sa pusa.

Naisip ko na rin na baka nasa ilalim ng kama namin at lalabas rin iyon. Walang ibang lagusan sa kwarto na iyon kung hindi ang iisang pintuan doon. Makalipas ng ilang oras ay pareho na kaming nakatulog ni Tita at nakalimutan na iyong tungkol sa pusa. Hindi na rin kami lumabas ng hotel dahil sa pagod. Nakakandado rin ang aming pintuan.

Nang kami ay paalis na ay muli kong tinanong si Tita kinabukasan. Sabi niya ay hindi na niya nakita. Pinasilip ko sa ilalim ng kama sa isang hotel attendant at sinabi niyang walang pusa doon at bawal sa kanila na meron pusa o aso sa hotel.

Kinilabutan ako. May kuwento ang pusang iyon at nagbigay ito ng babala. Hindi ko na sinabi kay Tita ang naisip ko sa araw na iyon.

Tama lahat ang aking kutob ng kami ay nakarating sa aming paroroonan. Mayroon mga pangyayari na hindi maganda subali't ako ay naging handa sa ano mang kaganapan doon, dahil sa pananalig ko sa Diyos na hindi NIYA kami pababayaan.

2 comments:

Aihara Ramintessah Sanchez said...

is this a real story sis?medyo natako ako.thanks for visitng me.

Bai Maleiha B. Candao said...

Hello dear. Totoo pero hindi naman nakakatakot. Ganyan lang talaga ang buhay. Sana lagi kang masaya. Salamat din sa iyo. :)