FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Wednesday, January 7, 2009

Matapang sa PDEA..



Kagabi ay napanood ko sa telebisyon ang sagutan sa pagitan ni Justice Secretary Raul Gonzalez at ang matapang at may paninindigan na si Maj. Ferdinand Marcelino ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Humanga ako sa tibay ng kanyang kalooban at paninindigan at hindi man lang natinag na si DOJ Secretary Gonzalez ang kanyang kasagutan.

May katwiran naman talaga si Major Marcelino na tumayo at ipaglaban ang kanyang reputasyon dahil buhay at karangalan niya ang nakataya sa katotohanan ng inilantad niya ang ukol sa kaso ng mga Alabang boys na sangkot sa pagbebenta at paggamit ng droga ayon sa mga pruweba na hawak ni Marcelino.

Bihira ang tulad ni Major Marcelino. Panibagong imahe ang kanyang naibibigay sa PDEA, nalilinis niya ang bulok na umaalingasaw sa loob ng ahensiyang ito. Napakarami pang mga malalaking isda na kailangang pangalanan ng PDEA. Dito lang sa Mindanao ay talamak na ang ganitong uri ng sakit na kumakatay sa kaluluwa ng mga kabataan. Isang malaking hamon ang nasa balikat ng PDEA ngayon.

Ipagpatuloy mo ang iyong kagitingan, Major Marcelino. Nasa likod mo ang iyong mga kababayan.

No comments: