FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Saturday, January 31, 2009

Misteryo sa buhay ni Mimosa


Maganda si Mimosa. Marami ang nababaliw sa kanyang alindog. Kakaiba ang kanyang ngiti sa mga ibang dalaga sa nayon. Masipag siya at mapagkumbaba. Nag-iisa na lamang siya sa buhay ng siya ay maulila noong sampung taong gulang pa lamang siya. Ayon sa kanyang mga kanayon, inampon siya ng isang matandang dalaga na nakatira malapit sa may tabing-ilog. Subali't nang magkasakit ng malubha ang tumayong magulang ni Mimosa, naiwang nag-iisa na lamang si Mimosa ng ito ay pumanaw.

Simula noon ay madalas ng nakikita si Mimosa sa may ilog at laging umuuwi na lamang ito pag mag-uumaga na. Nagtataka ang mga tao kung bakit kapag may napapadako sa may ilog ay wala naman silang nakita na may tao roon. Kaya't naging usap-usapan sa nayon na si Mimosa ay mahiwaga sapagka't ito ay nawawala sa takipsilim at nagpapakita lamang kapag sumisikat na ang araw.

Likas sa mga Pilipino ang pagiging usisero kaya nagkasundo ang tatlong magkakaibigan na sila Juan, Pedro at Tonyo na sundan si Mimosa upang magkaroon ng kasagutan ang kanilang mga katanungan.

"Pedro, halika na at nang maabutan natin si Mimosa. Ganitong takip-silim ang alis niya sa kanyang bahay.Kailangang magkaroon ng kasagutan ang misteryo sa buhay ni Mimosa".

"Ay sandali Juan. Ililigpit ko na lamang itong ating kinainan at handa na ako".

Maya-maya pa ay narinig ng dalawa ang sigaw ni Tonyo: "Nandito na ako!"

Nakita ng tatlo si Mimosa papalabas sa kanyang bahay at patungo sa ilog. Sinundan ng tatlo si Mimosa subali't ng malapit na si Mimosa sa ilog ay biglang nawala ang dalaga.

Napalingat lang sandali ang tatlo at parang bula ng naglaho si Mimosa.

"Nasaan na siya?" Pabulong na tinuran ni Pedro.

"Aba eh tayong tatlo ang magkakasama at napalingat lang ako ng sandali eh bigla siyang nawala".

Nagdesisyon na lamang ang tatlo na hintayin ang paglabas ni Mimosa at dahil sa pagod ay nakatulog sila sa may tabing ilog sa paghihintay sa dalaga.

Nagulat sila ng pagmulat nila sa kanilang mga mata ay may tatlong maiinit ng baso ng kape sa kanilang harapan.

"O magkape muna kayo," bungad ni Mimosa.

"Ha, paano mo nalaman na nandito kami?", gulat na wika ni Pedro.

"Alam kong sinundan ninyo ako kagabi. Marahil, katulad din kayo ng iba nating mga kanayon na ang akala nila ay may misteryo ako sa aking pagkatao".

Tumahimik ang tatlo. Nagpatuloy si Mimosa.

"Simula nang mamatay si Aling Teresa na umampon sa akin ay hindi ko na kayang matulog mag-isa sa kanyang bahay. Masakit kapag naalaala ko siya at ako ay nag-iisa. Kaya dito ako natutulog sa tagong bahay-kubo sa may tabi ng ilog na nakaugalian ko ng puntahan kahit noong buhay pa siya. Dito ako nagpapalipas ng magdamag".

"Ganoon ba. Pero sabi noong mga napadako sa may tabing ilog ay wala ka raw dito".

"Oo. Tagong tago ang aking bahay-kubo ng mga matataas na puno ng kahoy doon sa may gitna ng gubat. May mga inaalagaan akong mga manok at pato doon para sa aking ikabubuhay."

Nagpaalam ng maayos ang tatlo at humingi ng paumanhin kay Mimosa. Simula noon ay natigil ng ang usap-usapan ukol sa pagiging misteryosa ni Mimosa.

Ang kuwento ko pong ito ay kathang-isip lamang sa pagnanais kong mag-iwan ng aral sa karamihan sa atin na mahilig gumawa ng kuwento na ikasisira ng ibang tao.

Ang tao nga naman. Mahilig sa mga usaping haka-haka lamang.

Para sa mga taong may ganitong pag-iisip, sana ay paki-angat ang antas ng inyong pananaw sa buhay ng sa gayon ay hindi ninyo masisira ang karangalan ng ibang tao.

Huwag maging mapang-husga.


4 comments:

sweetheart said...

Nabasa ko ang maikli mong kwento napaganda naman..

Bai Maleiha B. Candao said...

salamat..

Jibrael Esber said...

Maganda ang kuwento, thrilling sa umpisa dahil nais malaman kung ano ang hiwaga.

Jibrael Esber said...

My friend,
Inilagay ko ang link ng iyong Blog sa aking Jibrael Angel Blog.

Salam,

From Jibrael bin Esber