FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Sunday, January 25, 2009

Nakakainis ba?

Nakakainis talaga ang katotohanan. Marami kang hindi puwedeng baguhin.Mahirap baguhin ang mga bulok na sistema dahil nakasayanan na. Mahirap baguhin ang pag-uugali na kaplastikan. Pero dahil nga sa naiinis ka, mas lalo kang walang mababago. Kaya simulan mo munang maging positibo.

Una, kapag meron kang suliranin, huwag na huwag mong tatakbuhan. Harapin mo ito ng buong tapang. Eh ano kung duwag ka, hindi naman nila makikita sa iyo iyon. At kahit duwag ka pero ipinaglaban mo ang iyong karapatan, tiyak ikaw ay isang kagalang-galang na mamamayan. Kasama sa pagharap sa suliranin ay ang pagtanggap sa katotohanan na hindi ka guwapo o maganda. Hindi ka kaaakit-akit o mayaman. Hindi ka matalino at iba pang bagay na maaaring sabihin sa iyo ng ibang tao upang panghinaan ka ng loob. Kapag nanghina ka, talo ka. Sila na ang panalo kahit hindi pa tapos ang laban.


Nakukuha mo ba ang punto ko, kaibigan? Prinsipyo laban sa prinsipyo. Eh ano kung hindi ka guwapo, marangal naman ang puso mo at mapagkumbaba ka. Mas mabuti na iyon kesa sa mga lalaking ubod ng pogi eh ang pangit naman ng pag-uugali. Maraming ganyan. Masyadong bilib sa kanilang mga sarili kahit wala namang bilib sa kanila.

He,he, he, he! Hayan, napangiti ka tuloy. Sige lang, huwag mong pigilan.

Pangalawa at huli. Ipagpatuloy mo ang iyong magandang adhikain kahit sino pa ang hahadlang. Ang tama ay mananatiling tama kahit gawin pa nilang mali. Huwag kang mabahala dahil karamay mo ang Diyos. Hindi ka niya pababayaan.

No comments: