FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Thursday, February 19, 2009

Anak pinatay ang ama: Sino ang may sala?


Makuwento ang buhay ng bawa't nilalang. Bawa't isa sa atin ay may sari-sariling kulay ng buhay na tinatahak. Sabi nga nila, huwag pamarisan ang mali ng iba, sa halip ay laging gumawa ng tama. Madaling magbitaw ng mga salita subali't napakahirap manindigan, lalu't lalo na kapag ang isang tao ay walang prinsipyo.

Naganap ang kasong ito noong taong 1999 dito sa Pilipinas sa isla ng Luzon. Sangkot dito ang isang pamilya na nag-iwan ng isang katanungan sa isip ng bawa't makatao at mahustisyang mamamayan.

Si Tomas (hindi tunay niyang pangalan) ay mabait na ama subali't kapag tuwina siya ay nalalasing sa alak ay mabigat ang kanyang mga kamay at nakakasugat ang mga salitang kanyang binibitiwan sa kanyang mga kasambahay.

Ito ang natanim sa isip ng kanyang anak na lalaki na itago natin sa pangalang Joseph. Labing-isang taong gulang pa lamang si Joseph nguni't naging bulag at piping saksi siya sa pananakit ng kanyang ama sa kanyang ina at maging na rin sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

Batid ng kanyang ina ang dala ni Joseph na poot sa kanyang dibdib. Lihim nitong nabanggit sa kanyang ina ang pagnanais nitong patayin ang kanyang ama. Marahil na rin sa paghihirap ng kanyang ina ay hindi na nitong nagawang pigilan ang anak na huwag isagawa ang maling pag-iisip na iyon. Isa itong napakalaking pagpapabaya sa parte ng ina ni Joseph dahil hindi nito naituwid ang kasalanan na naiisip ni Joseph sa panahong iyon na pilit kumakawala sa matino nitong pag-iisip.

Naganap ang nakaririmarim na tagpo sa buhay ng nasabing pamilya ng umuwi ng bahay isang gabi si Tomas, lasing at mabalasik. Hindi na napigilan ni Joseph ang kanyang sarili at naisagawa niya ang pagpaslang sa kanyang ama sa pamamagitan ng isang matalas na punyal, sumugat sa puso at kumitil sa buhay ni Tomas.

Sa pangyayaring ito ay may dalawang katanungan: Sino ang may sala, si Joseph o ang kanyang ina? Maituturing bang pagpapabaya ng kanyang ina ang hindi nito pagpigil kay Joseph?

Ano ang maaaring dahilan ng pagsawalang-kibo ng kanyang ina? Ito ba ay marahil sa inakala niya na hindi kayang isakatuparan ng kanyang anak ang pagnanais nitong patayin ang kanyang ama? Sino ang may higit na kasalanan sa kasong ito? Si Joseph ba na pumatay sa sariling ama o ang kanyang ina na hindi kumilos upang pigilan ito?

Sa panahong naganap ang krimen na ito ay hindi pa magawang ibilanggo ng mga awtoridad si Joseph dahil sa napakamura pa nitong edad.

Babalangkasin sa husgado ang mga detalye ng nasabing kaso. Tiyak na kasama sa kakasuhan ng kamag-anak ni Joseph ang kanyang asawa.

Naniniwala ako na ang bawa't ina ay may responsibilidad na pangalagaan ang pag-iisip ng kanyang mga supling. Nasa balikat niya ang pagtutuwid sa kanilang maling kaisipan at gabayan ang bawa't hakbang ng kanilang mga paa sa buhay.

Ang naging ugat sa nasabing kaso ay ang maling pag-iisip na hindi naituwid sa mabilis na pagwawasto rito. Parang sakit na pinabayaang lumala, ito ay nagtapos sa isang madilim at masakit na kuwento.

No comments: