FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Tuesday, March 3, 2009

Eleksiyon 2010

Ang nasa larawan po ay ang inyong lingkod na kuha noong 1993. Pinapanood ko po ang ang pagsasayaw ng ilan sa mga "bakwit" sa probinsiya ng Maguindanao bilang alay nila ng pasasalamat dahil sa tulong na kanilang natanggap mula sa aming tanggapan dahil sa kanilang situwasyon.

Narito na naman po ang maruming tagisan ng dunong at papularidad na nakaambang kakagatin ang mga mamamayang Filipino sa leeg.

Kailan po ba naging malinis ang proseso ng eleksiyon dito sa ating bansa? Bukas po ang ating mga mata sa katotohanan na lamangan o paisahan ang madalas na umiiral kapag dumarating na ang halalan.

Punong-puno po ang baul ng aking alaala at marami po akong maikukuwento.

Subali't ako po ay hindi muna maglalahad ng mga detalye dahil sa maraming dahilan. Sapat na po muna ngayon na ako ay tatayong mulat at hindi bulag sa mga kaganapan dito sa ating bansa.

Isang katanungan lamang po ang aking iiwanan na patama sa mga nais magkamal ng kapangyarihan sa pamamagitan ng eleksiyon: TOTOO KA BA?


1 comment:

Ramon Guico said...

Well, I'm just hope for a clean and safe election this 2010. And who ever wins as the race for presidency, I wish he/she can change our country from its current state. Anyway, I've been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.


-pia-

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Ramon_N._Guico%2C_Jr