
Bilang isang Pilipino ay karangalan ng ating bansa na maibahagi sa buong mundo ang galing ng pinoy. Katulad na lamang ng likha ni Charlie B. Miranda na kasalukuyang nasa gitnang silangan.
Si Charlie ay isang dalubhasang sr graphics designer at sol soñab ang kanyang dinadala sa flickr hango sa kanyang pinagmulan sa Los Baños.
Ang kanyang likha sa potograpiya ay nabigyan ng karangalan ng ilathala ng Saudia Airlines sa kanilang inflight magazine noong May Edition 2009.
Narito ang larawan na iyon:

Ito ay kuha ni Charlie sa elephant rock doon sa Al Ula Saudi Arabia..
Binabati ko si Charlie at nawa'y magpatuloy pa ang kanyang tagumpay sa larangan ng potograpiya.

2 comments:
maraming salamat sa paglathala nito princess alam kong di lang ako ang may ganitong pagkakataoon at marami pa din pinoy na may kakayahang maipakita ang talino nila sa ibang larangan.ang pagkakataoong ito ay nag silbing gabay sa akin na kumuha pa ng larawan at mapag buti pa ang lahat para s ating bayan.muli maraming salamat!
Walang anuman, Kabayan! :-)
Post a Comment