FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Monday, August 30, 2010

Tao po si P-Noy at hindi Superman

Ako po ay nagtataka sa walang katupasang panghuhusga sa kasalukyang presidente ng Pilipinas, si P-Noy o Presidente Noynoy Aquino. Ayon sa ABS-CBN, bumaba raw ang porsiyente ng tiwala ng mga pinoy kay P-Noy. Ang hindi ko lubos mawari ay bakit halos lahat ng mga maling pangyayari ay kailangang ibintang sa kanya.

Ano ho ba ang tingin ninyo sa Presidente, si Superman? Bakit naman ho kailangan na personal na tumugon si Presidente Noynoy sa nakalipas na hostage crisis na ginawa ni Rolando Mendoza? Ang ibig ba ninyong sabihin ay si Presidente Noy mismo ang mag-ala superman at pumagitna sa palitan ng bala? Nasaan ho dito ang balanseng pangangatwiran?

Sa isang matinong pagtingin sa situwasyon, iyon ho ay trabaho ng ating kapulisan at hindi tama na ang pangulo ang mag-ala pulis at makipag-barilan sa hostage taker.

Kahit ho ang pamamaril ay hindi dapat umiral kung kaya namang iresolba ang problema sa matiwasay na pamamaraan.

Mabalik tayo sa konsepto ng "Superman"...hindi ho superman si Presidente Noy. Nasa kapangyarihan lamang niya na mag-desisyon tungo sa tamang paraan upang lahat ng mga tao na sangkot sa nasabing insidente ay hindi malabag ang karapatan.

Mahirap pamunuan ang isang bansa na ang konsepto sa totoong pamumuhay ay tulad ng sine. Para bang isang sigaw mo lang ay nandiyan na si superman at biglang dudukutin ang hostage taker at isa-isang iligtas ang mga hostages. Hindi nga naman niya alintana ang mga bala dahil kayang-kaya niya itong salagin.

Iyon ho ang nasa sine! Nasa totoong buhay ho tayo.

May nagkamali sa situwayon, at totoong ang mga kapulisan natin ay hindi handa at may buong kaalamang harapin ang katulad na krisis.

Ang nasa kamay ng pangulo ngayon ay kung paano mapagtibay ang mga batas na higit na bigyan ng mas mabibigat na training sa mga kapulisan natin upang pag maulit muli ang ganoong situwasyon ay kayang-kaya nilang tugunan.

Pakiusap lang po...maging praktikal po sana tayo sa pagtingin sa mga pangyayari sa ating bansa. Walang sino mang pangulo na magnanais na mabahiran ang relasyon nito sa ibang bansa at maging sentro ng negatibong kritisismo.

Huwag po tayong mangarap ng superman na presidente. Magtulungan po tayo sa pagtingin sa ating kasalukuyang liderato ng balanse, makatotohanan at may praktikal na elemento ng realidad.

No comments: