FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

About Me

My Photo
Salam. Sumainyo ang kapayapaan. Ako po ay isang Prinsesang Mulat at manunulat ukol sa kapayapaan. Isa po akong boluntaryong  kasapi ng lahat ng gawain na ang layunin ay magpapahilom ng sugat ng isang katauhan at kalikasan.

______________________________

Princess Maleiha is a focused writer who espouses justice, peace and interfaith unity in the midst of the decaying moral and cultural fibers of many people owing to political vindictiveness, power struggle and hypocritical pro-poor concerns masking vested interest and self- promotion.

She used to edit and publish her own community paper,"The New Mindanao Kris", from 1997 to 2001. At the height of the 2000 Mindanao war, she allied with her fellow journalists to call for peace.

Known to be feisty in her writings, she is also very straightforward in person. She says what is on her mind without fear or favor.

She does not fear powerful personalities but she obliges herself to respond positively 
to humble actions. She is just an ordinary lady with simple dreams but she knows where she stands and how to fight for her rights. 


Sunday, December 4, 2011

Para sa iyo Presidente Noynoy Aquino








Marahil ay sanay na kayo sa mga sulat ukol sa kapayapaan. Nakabibingi nga naman ang sigaw ng kapayapaan. Nagpapakita lamang na ang karapatan para sa katahimakan at walang madugong himagsikan ay hindi kailanman dapat talikdan.

Ako po ay isang simpleng mamamayang Muslim na kailanman ay hindi naghangad ng posisyon sa inyong pamahalaan. Hindi po ako mapulitikang tao nguni't ako po ay handang humakbang para sa tama at positibong pagbabago ng nakararami. Ayaw ko rin pong masangkot sa ma-padrinong kalakalan kaya't ang pagigiging makapangyarihan ay ipanauubaya ko na po sa mga taong marunong maglaro at magbayad magkamal lamang ng puwesto sa gobyerno.

Alam ko po kung saan ako nanggaling. Alam ko po ang ugat ko. Ang tanging pamana sa akin ng aking mga ninuno ay ang ipaglaban ang karapatan ng mg kapatid kong Muslim. Hindi po Maguindanao Kris ang hawak ko. Ang aking instrumento ay ang aking mga akda, mga titik na pinaghimay-himay ko upang mabuo ang isang salita--KAPAYAPAAN.

Sa mga nakalipas na panahon, nasasaktan po ako sa mga dumaraming biktima ng sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga mujahideens--ang mga inosenteng sibilyan po, Kristiyano man at Muslim. Kailangan pa ba ang walang katapusang patayan?

Nalalaman ko po ang naganap sa Al-Barka, Basilan. Nabasa ko rin po ang mga artikulong naglalahad ng katotohanan kung paano ang totoong nangyari ukol dito.

Isa na rito ang akda ni Glenda Gloria.


Ang mga nangyayari po sa ilang bahagi ng Mindanao ay kagagawan ng iilan na kadalasan ay isinisisi sa iisang grupo at nagiging dahilan ng kamatayan ng maraming inosenteng sibilyan.

Pagod na po kami. Pagod na po ang mga Bangsamoro Muslims maghintay ng tunay na kapayapaan. Maraming pangako na ang lumabas sa bibig ng mga dating presidente ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin. Ang usaping kapayapaan ay nagsimula sa taong 1997 sa pamumuno ng liderato ng probinsiya ng Maguindanao. Marami na pong napag-daanan ang usaping kapayapaan sa Mindanao.

Sumakabilang -buhay na po ang dati nitong pinuno na si Hashim Salamat. Hindi na ho bumabata ang mga nakikipag-usap sa pamahalaan na may matiwasay at obdyektibong pananaw o bukas ang isipan sa pakikipag-usap para sa kapayapaan.

Kapag sila ay mawala na sa mundo, maaaring ang papalit sa kanila ay mga mapusok na pag-iisip dahil sa kanilang kabataan.

Hanggang kelan pa ho ba ito? Hanggang maubos ang lahat ng Bangsamoro Muslims o palipat-lipat na lamang na usapin mula sa nakalipas na presidente hanggang sa uupo na baguhan. Paiba-iba po ang mga stratehiya ng bawat namumuno.. Napuputol po ang daloy ng pag-uusap sa kapayapaan dahil laging nag-uumpisa sa una o pag dumarating ang bagong liderato at patungo sa walang katapusan na usupan.

Pakiusap lang po Presidente Pnoy, maari po bang sa administrasyon ninyo ay mayroon ng solusyon ang problema sa Mindanao ukol sa karapatan ng mga Bangsamoro Muslims.

Ako ay sumasampalataya sa Diyos na ang buong Mindanao ay maging mapayapa ng tuluyan. Hindi naman buong Mindanao ay magulo sapagka't maraming parte ng Mindanao na mapayapa. Subali't ang Maguindanao, lugar ng aking mga ninuno, ay laging sakop ng madugong awayan.

Sana lang ay hindi masayang ang maliit na pag-asang aking pinanghahawakan.


(Photos: Property of the New Mindanao Kris/All Rights Reserved)

0 comments: