FOREWORD FROM THE AUTHOR

I describe myself as a Muslim Activist, but more on the transformational context. I hate war or any form of violent act done against my person, loved ones, friends and helpless people by those who use their political power for terrorism. I write for peace and I shall always initiate any form of positive transformation in my own social, cultural and political milieu.

Ako po ay isang manunulat ng katotohanan at kapayapaan. Hangad ko po na maiugnay ang aking diwa sa positibong pamamaraan. Lahat po ng artikulong nababasa ninyo dito sa aking blog ay mga orihinal kong katha at ipinagbabawal ko ang pagkopya at paggamit ng mga ito ng walang PERMISO mula sa akin. ALL RIGHTS RESERVED.

PAUNAWA: Lahat ng patalastas (advertisements) na nakasaad sa blog na ito ay mula sa Googles.

Popular Posts

Saturday, March 1, 2014

Isang pasasalamat


Ang mga aklat ng aking mga kaibigan. Mula sa kaliwa: 
Writings 8 ni Mike Portes
Real life ni Dolly Palisada, The Dove Files ni Mike Portes at 
Makata sa Cell phone ni Frank Rivera.




Real Life at ang aking pananaw ukol sa 
charity o Pagkawang-gawa.




Mensahe ni Yolly Palisada.



Ang diwa ko ay balot ng pasasalamat sa mga taong naging parte na ng buhay ko sa facebook. 

Bagama't kami ay hindi pa nagkikita, ramdam ko ang mga sinseridad nila sa salita at gawa.

Ang adbokasiya ko po sa Facebook at sa iba't-iba pang social sites sa internet ay para sa pagkawang-gawa at kapayapaan.

Alay ko sa kanilang lahat ang artikulong ito.

Mula sa puso ko para sa kani-kanilang mga puso. 


Una na rito ay isang pasasalamat ang alay ko sa aking mga kaibigan na mga batikang manunulat na si Mike Portes at Dolly Palisada.

Nakalakip sa kani-kanilang mga aklat ang aking pananaw ukol sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa aklat naman ni Frank Rivera na 'Makata sa Cellphone' ay taglay nito ang aking mga tula.

Si Mike Portes ay kilala sa kanyang progresibo at makabayang paninindigan at humahanga ako sa taos-puso niyang pagtulong sa mga nangangailangan. 

Sa panahong ng pagbaha sa lalawigan ng Maguindanao at siyudad ng Cotabato City, hindi nagdalawang isip si Mike na makiramay sa mga kababayan niyang Bangsamoro. Saludo ako sa kanyang dedikasyon.

Ang kaibigan kong si Dolly ay tunay ring may ginintuang puso. Kasama ang aking kaibigan na si Ruby Pearl Dapitan, dalawa silang tumulong at nakiramay sa mga kapwa ko Bangsamoro.

Higit sa lahat ay ang aking Kuya Ben Leano na laging walang pinipili kapag pagtulong ang pinag-uusapan.

Salamat rin sa aking kaibigan na si Marlene Damolo Howe. Isa ring taong may pagmamahal sa Bangsamoro Muslims.

Sila ay iilan lamang sa mga tunay kong kaibigan na kasama ko sa aking adbokasiya.

Ang kaibigan kong si Jojie Suarez ay isa ring inspirasyon sa facebook.

Si Ate Anita, Fidel Mariveles, ML Kuker, Vigie Santos, Marife Guzman, Rina Imperial, Tin Lagman, Nahz Mamaluba Asi, Ate Lucita Gabordo, Kuya Eduardo Sabordo, Ness Estorque, Peter Jimenea, Menchu Arandilla, ate Inday Palmaaguada, ate Estrella Orcena,Louella Cora Lyn Garcia, Elisa Ali, Andre Rolan Abenojar, Ysmael Alpha, Gie Ganibe, Fatma Biruar Yusop, Ivy Tejada, James Frank Olano, Nancy Morco,Renato Tiamzon, Dranreb Inahlij, Carmine Bermejo,at marami pa sila. Kasama na ang lahat ng kamag-anak ko.

Lahat ng kaibigan ko sa facebook ay nasa puso ko. 

Mahalaga silang lahat sa akin.

LAHAT SILA ay aginaldo mula kay Allah. Alhamdullilah.




1 comment:

Ben Leano said...

Afwan. Salamat rin sa pagbigay ng pagkakataon na makatulong sa mga nangangailangan.