Skip to main content

Posts

Showing posts from December 27, 2008

Bangsamoro Muslims

Kung ikaw ay isang dayo lamang at walang kaalaman ukol sa kultura ng mga Muslim, tiyak magugulat ka dahil mali ang narinig mong balita na kami raw mga Muslims ay laging gusto ng giyera o mahilig ng basag-ulo.
Kung meron man po kayong alam na mga Muslims na basagulero, sila po ay hindi bumubuo ng buong papulasyon ng mga Muslims sa Mindanao. 

Ganyan lamang po talaga. 

Maraming mayayabang kapag nasa puwesto.

Ako po ay naniniwala na lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan. 

Ang pang-aabuso o panlalamang sa kapwa ay malaking kasalanan sa Diyos, ikaw man ay Muslim o hindi. 

Ako po ay laging panig sa inaapi kahit na ang nang-aapi ay kapwa ko Muslim.

May mga nagsasabi pa na ang mga Muslim daw sa Mindanao ay may buntot at walang alam sa mundo. 

Naku naman po, iyan ay malaking insulto. 

Magbasa po kayo at alamin ang totoo. Mukhang iyong may ganyang paniniwala ang lumalabas na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Marami po sa amin ang may mataas na pinag-aralan. 

Marunong makisalamuha sa kapwa at ire…

Mulat at pagmumulat..

Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging "mulat" ? Ito ba ay simpleng pagbukas ng mata?

Ito ba ay simpleng pag-alis ng piring sa mga matang walang nakikita?

Ang mulat na tao ay gising ang diwa at alam ang kilos. Pinipili ang pinapakinggan at winawasto ang kasinungalingan. Maraming mga tao ang nagkukunwaring may magandang adhikain sa bayan, nguni't sa kabila nito ay kabaligtaran.

Mabulaklak na salita ay hindi papasa, kapag ang kalooban ay naagnas na parang bangkay. Animo ay tulad ng naisawalat ng "imbestigador", isang paborito kong palabas sa telebisyon tuwing sabado ng gabi na hatid ni Mike Enriquez.
Gustong gusto ko ang linya ni Enriquez : "hindi ko kayo tatantanan!".

Naalaala mo pa ba ang isang isyu ukol sa mga bangkay na naaagnas na sa loob ng isang morge dahil sa kawalan ng pondo? Heto tayo, isinusulong ang karapatan ng buhay, subali't lantad ang katotohanan na pati ang mga namayapa na ay hindi mabigyan ng katarungan.


Ang "pagmumulat" po ay pa…