Skip to main content

Posts

Showing posts from January 25, 2009

Kababalaghan

Naniniwala po ba kayo sa kababalaghan? Totoo kaya ito o bahagi lamang ng malikot na imahinasyon ng mga manunulat sa komiks o sa mga nakatatakot na palabas sa telebisyon. Maaaring salungat ang isasagot ko sa iyong inaasahan.

Maaaring ang aking opinyon ay tugma sa mga nababasa mo sa komiks, libro o pahayagan at napapanood sa telebisyon. Opo, ako ay naniniwala sa kababalaghan.

Marami po kasing mga kababalaghan dito sa mundo na mahirap ipaliwanag ng siyensiya. May mga kuwentong kathang-isip lamang, meron naman totoo. Ito ay nagpapakita na bukod sa ating mga tao na nilikha ng Diyos, ay meron ding mga nilalang na sadyang nilikha upang subukan ang tatag ng ating pananampalataya.

Sa relihiyon na Islam ay kinikilala nito ang mga nilalang na tinatawag na "Jinn".

Sadyang nilikha sila ni Allah na parang mga tao rin. Meron silang pamilya at nagkakagusto rin sila sa mga tao. Subali't sila ay nilikha mula sa apoy kaya karamihan sa kanila ay mapusok at laging may nagagawang mali sa pamanta…