Skip to main content

Posts

Showing posts from January 30, 2009

Multo

Nagbabalik na kaluluwa?

Taong 2008, sa Davao City. Bandang alas dose ng gabi. Tulog na tulog na ako pero ako ay ginising ng ingay mula sa banyo. Panay ang agos ng tubig. Akala ko ay naliligo ang nasa kabilang kuwarto kung saan ako at aking babaeng pinsan ay nanuluyan. Pinatanong ko sa aking pinsan kung may tao ba sa katabing kwarto.

Wala raw sabi nila. Ang aming natulugan ay nasa dulo ng nasabing establisyemento. Ang ingay. Walang tigil ang agos ng tubig. Tumayo ako sa aking kama at aking tinignan. Walang umaagos na tubig at walang bukas na gripo.
Ako ay kinilabutan.

Nang kami ay nakauwi na sa Cotabato City ay nagtext sa akin ang aking pinsan. Eto ang buod ng text niya.

"May pinatay daw na babae sa loob ng kuwarto na iyon".

Kaya pala. Humihingi ng saklolo. Kawawa naman.