Skip to main content

Posts

Showing posts from May 30, 2017

Kurot sa Kalamnan

Masakit..masakit talaga dito sa aking puso na makita ang kapwa ko Muslim na naliligo sa sariling dugo dahil sa kagagawan ng Israel na ginagamit ang maling idolohiya at isulong ang isang agenda na pampulitika.

Katulad na lamang ng kaganapan sa Gaza, sa pagpatay sa mga Muslims sa Palestine na matagal ng nagaganap. Nag-tengang kawali lamang ang Israel sa panawagan ng United Nations at iba pang Islamic countries na itigil ang opensiba sa mga sibilyan sa Palestine, dahil para sa Israel, ang Gaza war ay isang tagumpay para sa kanilang baluktot na paniniwala.

Isa sa mga naging biktima ng nasabing karahasan sa Gaza ay isang limang buwan na sanggol na nag-iisang anak ng mag-asawang Palestino na hindi nabiyayaan ng anak sa mahabang taon, at nang lumabas ang kanilang anghel, ito ay mamamatay lamang sa isang masakit na paraan.

Idolohiya laban sa idolohiya? Sabihin mo nga sa akin kaibigan kung makatarungan ba ang idolohiya na may karahasan at walang-awang pagpatay sa mga walang kalaban-laban na sibil…