Skip to main content

Posts

Showing posts from December 4, 2011

Para sa iyo Presidente Noynoy Aquino

Marahil ay hindi na ninyo ako matandaan. Pero ako po ay nanawagan noon sa inyo ukol sa kapayapaan ng nakaraang taon.
Marahil ay sanay na kayo sa mga sulat ukol sa kapayapaan. Nakabibingi nga naman ang sigaw ng kapayapaan. Nagpapakita lamang na ang karapatan para sa katahimakan at walang madugong himagsikan ay hindi kailanman dapat talikdan.
Ako po ay isang simpleng mamamayang Muslim na kailanman ay hindi naghangad ng posisyon sa inyong pamahalaan. Hindi po ako mapulitikang tao nguni't ako po ay handang humakbang para sa tama at positibong pagbabago ng nakararami. Ayaw ko rin pong masangkot sa ma-padrinong kalakalan kaya't ang pagigiging makapangyarihan ay ipanauubaya ko na po sa mga taong marunong maglaro at magbayad magkamal lamang ng puwesto sa gobyerno.
Alam ko po kung saan ako nanggaling. Alam ko po ang ugat ko. Ang tanging pamana sa akin ng aking mga ninuno ay ang ipaglaban ang karapatan ng mg kapatid kong Muslim. Hindi po Maguindanao Kris ang hawak ko. Ang aking instrumento…