Posts

Ano ba ang Ginakit?

Ano ba ang Ginakit?

Image
  Ang Ginakit po sa kulturang Maguindanao ay isang pagpupunyagi sa kasarinlan ni Shariff Muhammad Kabungsuan, ang aking ninuno na siyang nagtayo, o bumuo ng Maguindanao Sultanate.  Mula sa kanyang angkan nagmula si Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat. Ang "Ginakit" ay isa ring seremonya ng mga royal blood families para sa isang kasalan. Ito ay nagpapakita rin kung paano dumating si Shariff Kabunsuan sa Maguindanao. (Larawan ay pag-aari ni Princess Maleiha)

Kurot sa Kalamnan

Image
Masakit..masakit talaga dito sa aking puso na makita ang kapwa ko Muslim na naliligo sa sariling dugo dahil sa kagagawan ng Israel na ginagamit ang maling idolohiya at isulong ang isang agenda na pampulitika. Katulad na lamang ng kaganapan sa Gaza, sa pagpatay sa mga Muslims sa Palestine na matagal ng nagaganap. Nag-tengang kawali lamang ang Israel sa panawagan ng United Nations at iba pang Islamic countries na itigil ang opensiba sa mga sibilyan sa Palestine, dahil para sa Israel, ang Gaza war ay isang tagumpay para sa kanilang baluktot na paniniwala. Isa sa mga naging biktima ng nasabing karahasan sa Gaza ay isang limang buwan na sanggol na nag-iisang anak ng mag-asawang Palestino na hindi nabiyayaan ng anak sa mahabang taon, at nang lumabas ang kanilang anghel, ito ay mamamatay lamang sa isang masakit na paraan. Idolohiya laban sa idolohiya? Sabihin mo nga sa akin kaibigan kung makatarungan ba ang idolohiya na may karahasan at walang-awang pagpatay sa mga walang kalaban...

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)

Image
          (Ito po ay larawan ni Apo Sultan Kudarat na nakipaglaban sa mga kastila) Mga Sultans ng Maguindanao mula 1515 hanggang sa kasalukuyan. Bago ko po ibahagi ang totoong listahan ng mga Sultans sa Maguindanao, nais ko po lamang ibahagi na ang nagtatag ng Sultanate ng Maguindanao ay si Shariff Muhammad Kabunsuan. Si Shariff Muhammad Kabunsuan po ang great great grandfather ng aking   great grandfather na si Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat. 1.Shariff Muhammad Kabunsuan ( 1515) 2. Shariff Makaalang (1543) 3. Datu Bangkaya (1574) 4. Datu Dimasangkay Adil (1579-1584) 5. Datu Gogo Sarikula (1585-1597) 6. Kapitan Laut Buisan (1597-1619) 7. Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat I(1619-1671) 8. Sultan Mohamad Dundang Tidulay (1671-1672) 9. Sultan Muhammad Baranaman (1672-1699) 10.Sultan Jamalal Alam Kuda (1699-1702) 11. Sultan Bayanol Anuar (1702) 12. Sultan Jadar Sedik Manamin (1733) 13. Sultan Tahirudin M...

Multo Sa Aking Gunita

Image
Ayaw ko na po ang paglalaban sa aming probinsiya sa Maguindanao.  Ang multo po sa aking gunita ay ayaw akong iwan.  Mga larawang kuha noong 2000 sa probinsiya ng Maguindanao sa evacuation centers nito.  Kuha po ito ng The New Mindanao Kris, isang community paper na aking hinawakan upang mabahagi ang mga pangyayari sa aming komunidad ukol sa kapayapaan at kawalan nito.

Pagdamay Mula sa Puso

Image
              (Larawan po ito ng aking charity group na Tabang Maguindanao Bayanihan) Mahirap maintindihan ang ibig sabihin ng pangangailangan sa pagkain, sapat na health services, pagmamahal sa kapwa at pagdamay sa mga taong tunay na nangangailangan kapag nasasaiyo ang lahat ang yaman sa mundo. Maaaring mabibili mo ang kulang sa iyo pero ang tunay na pagdamay sa kapwa ay isang aginaldo mula sa Maykapal. Bakit? Kasi mayroong espesyal na bahagi ang kanilang mga puso, tenga at kamalayan. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong kislap sa kanilang mga mata dahil hindi sila bulag sa kaapihan ng iba dahil sa kahirapan. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong awit sa kanilang pandinig dahil kanilang naririnig ang paghingi ng saklolo ng mga walang kakayahan na punan ang kawalan nila. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong pambihirang tibok ang kanilang mga puso dahil sa taglay nilang pagmamahal bawa't m...

Ang Matiyaga ay may patutunguhan

Image
Marami ang nagsabi na ang paulit-ulit na gawain ay isang katangahan. Ang pagiging makulit raw ay walang patutunguhan. Tama kaya iyon? Paliit ng paliit ang mundo ng internet. Mabuti na lang at ako ay siguradong nakayakap sa mga totoong kaibigan ko online. Simple lang naman po ako, laging para sa totoo. Para sa mga totoong tao ay ibibigay ko ang puso ko sa mga ipinaglalaban ang totoo. Hindi naman lahat ng totoo ay tama pero ang pagtanggap na ito ay iyong nararamdaman o nakikita ay pag-amin na banal. Mahirap maging totoo sa isang mundo na maskara ang sinasamba. Nakakapagod din ang katotohanan. Halimbawa na lang ay ang paulit-ulit na pagtanggap sa buhay na iyong pinili. Minsan ay posibleng nagnasa kang makawala dito pero sakop ka ng batas ng tao at Diyos kaya wala kang magawa kung hindi tanggapin ito. Sino ba iyong nagsabi ng ang pagkabaliw ay paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay at inaasahang may pagbabago dito? Si Albert Eisntein. Aniya: Insanity is doing ...

Buwayang Kamalayan

Image
Malayang mag-isip si Jose kung ikukumpara sa ibang mga kabataan na tulad niya. Bakit nga ba tuwing kabataan ang pag-uusapan ay mabilis kumawala ang maling mga argumento tungkol dito. Mapusok at walang direksiyon. Iyan ang karaniwang pag-huhusga sa mga kabataan. Para bang lahat ng matatanda ay tuwid mag-isip at may direksiyon. Nakakatawa. Nakakapagod din ang karaniwang mag-isip. Ito ang mga utak na ayaw buksan ang iba pang bahagi ng rason sa kanilang munting daigdig. Mali at muling pagkakamali dahil sa baluktot na argumento. Ang Jose ng kahapon ay nabuo sa pagsisikap at pagtitiis. Punong-puno ng buhay at malayang kumilos upang tugunin ang layunin. Sa argumento at pamantayan ng iba, mali ang maging aktibista. Mali ang magsalita ng hindi sang-ayon sa batas dahil tatawagin kang makakanan o kalaban ng gobyerno. Bakit nga ba kapag mali ang pamamaraan ng liderato, subersibo ang tawag sa mga kritiko nito. Bakit may sari-sariling pananaw ang bawa't sektor ng lipun...