Pagdamay Mula sa Puso






              (Larawan po ito ng aking charity group na Tabang Maguindanao Bayanihan)


Mahirap maintindihan ang ibig sabihin ng pangangailangan sa pagkain, sapat na health services, pagmamahal sa kapwa at pagdamay sa mga taong tunay na nangangailangan kapag nasasaiyo ang lahat ang yaman sa mundo.

Maaaring mabibili mo ang kulang sa iyo pero ang tunay na pagdamay sa kapwa ay isang aginaldo mula sa Maykapal.

Bakit? Kasi mayroong espesyal na bahagi ang kanilang mga puso, tenga at kamalayan.

Maaaring ang mga taong ito ay mayroong kislap sa kanilang mga mata dahil hindi sila bulag sa kaapihan ng iba dahil sa kahirapan.

Maaaring ang mga taong ito ay mayroong awit sa kanilang pandinig dahil kanilang naririnig ang paghingi ng saklolo ng mga walang kakayahan na punan ang kawalan nila.

Maaaring ang mga taong ito ay mayroong pambihirang tibok ang kanilang mga puso dahil sa taglay nilang pagmamahal bawa't minuto at kinakabog ang kanilang kamalayan upang maunawaan nila ang pangangailangan ng iba.

Alam kong marami ang mga taong may aginaldo ng pagdamay mula sa Diyos. Maaaring isa ka sa kanila at kasalukuyang binabasa sa aking katha.

Pagpalain ka ng Diyos. :)

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)