Skip to main content

Akda









Nagsimula akong magsulat noong ako ay nasa kolehiyo. Mabulaklak at malalim ang mga salita sa ingles na gamit ko. Gustong gusto kong malalim ang dating ng bawa't titik ko dahil na rin siguro sa mataas ang inaasahan ng aming kolehiyo sa akin bilang editor-in-chief ng aming papel. Habang tumatagal ay lalong nagiging "intimidating" ang aking bawa't akda...at iyon ang aking pagkakamali.

Noong ako ay naging manunulat na sa isang diyaryo sa aming bayan, nagising ako sa katotohanan na mali pala ang aking pamamaraan sa pagsusulat. Dapat pala ay hindi ko pahirapan ang aking mambabasa. Dapat pala ay ipaliwanag ko sa simpleng mga salita ang aking isip. Simple at hindi "abstract".

Payo ko sa mga nais magsulat, laging gawing patakaran sa paglalahad ng damdamin at isip sa pamamaraang simple. Huwag pa-impress o mag-intimidate ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang mahirap intindihin, dahil para sa kanila, ang artikulong simple at madaling maintindihan ay mas binabasa at tinatangkilik.

Comments

honest opinion!I agree.
Salamat,kaibigan :)

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Marami sa atin ang naniniwala sa mga diwata. Isang pamana mula sa mga matatanda na nagsisilbing gabay upang itama ang isang mali.

Ang paglalahad na tumutukoy sa mga diwata, tulad ng Alamat ni Maria Makiling ay isang uri ng pananalamin upang hikayatin ang pagsusuri sa kalooban ng bawa't mamayan.

Ayon sa alamat, si Maria Makiling ay isang lambana na naninirahan sa bundok ng Makiling sa Laguna, dito sa Pilipinas. Si Makiling ang pinakatanyag na diwata sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas.

Bukod dito, may mga nakasaad din sa mga alamat na may diwata na nangangalang Maria Sinukuan na natatagpuan sa bundok ng Arayat sa Pampanga at si Maria Cacao na mula naman sa bundok Lantoy sa Cebu.

Si Maria Makiling ang bantay ng bundok Makiling upang protektahan ang mga natural na yaman nito. Siya ay kalaban ng mga tao na kinakamkam ang kalikasan upang yumaman mula rito. Galit siya sa mga taong walang awang pinuputol ang mga kakahuyan sa kagubatan at nilalapastangan ang yaman ng kalikasan upan…

Nasaan na si Pedro Penduko?

\









Nasaan na si Pedro Penduko? Batid nating lahat na si Pedro penduko ay isang simbolismong hustisya na maituturing nating mabigat na pangangailangan ng bawa't mamamayang Pilipino.

Si Pedro Penduko ay mula sa mapagkathang isip ni Francisco V. Coching na unang pinakilala nito ang katauhan ni Penduko sa Liwayway Magazine. Si Penduko ay isang bayaning pinoy na mababasa sa mga libro at komiks at mapapanood sa telebsiyon at mga sinehan.

Ang tanging nakakaaliw sa konsepto ng "Pedro Penduko" ay ang karuwagan sa karakter nito nguni't handa naman siyang lumaban sa may masasamang kalooban.

Siya ay may hawak na anting-anting o (amulet) na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ba ito na ang katapangan ni Pedro ay wala sa kanyang pagkatao dahil umaasa lamang ito sa nasabing anting-anting?

Kung ating susuriin ang mensahe ng karakter na akda ni Conching, makikita natin na hindi handlang ang karuwagan sa pagkamit ng hustisya. Sa isang banda, dapat rin na…

Buwayang Kamalayan

Malayang mag-isip si Jose kung ikukumpara sa ibang mga kabataan na tulad niya.

Bakit nga ba tuwing kabataan ang pag-uusapan ay mabilis kumawala ang maling mga argumento tungkol dito. Mapusok at walang direksiyon. Iyan ang karaniwang pag-huhusga sa mga kabataan. Para bang lahat ng matatanda ay tuwid mag-isip at may direksiyon.
Nakakatawa.
Nakakapagod din ang karaniwang mag-isip. Ito ang mga utak na ayaw buksan ang iba pang bahagi ng rason sa kanilang munting daigdig. Mali at muling pagkakamali dahil sa baluktot na argumento.
Ang Jose ng kahapon ay nabuo sa pagsisikap at pagtitiis. Punong-puno ng buhay at malayang kumilos upang tugunin ang layunin. Sa argumento at pamantayan ng iba, mali ang maging aktibista. Mali ang magsalita ng hindi sang-ayon sa batas dahil tatawagin kang makakanan o kalaban ng gobyerno.
Bakit nga ba kapag mali ang pamamaraan ng liderato, subersibo ang tawag sa mga kritiko nito. Bakit may sari-sariling pananaw ang bawa't sektor ng lipunan na nakabase sa interest na…