Skip to main content

Maria Makiling





Marami sa atin ang naniniwala sa mga diwata. Isang pamana mula sa mga matatanda na nagsisilbing gabay upang itama ang isang mali.


Ang paglalahad na tumutukoy sa mga diwata, tulad ng Alamat ni Maria Makiling ay isang uri ng pananalamin upang hikayatin ang pagsusuri sa kalooban ng bawa't mamayan.

Ayon sa alamat, si Maria Makiling ay isang lambana na naninirahan sa bundok ng Makiling sa Laguna, dito sa Pilipinas. Si Makiling ang pinakatanyag na diwata sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas.

Bukod dito, may mga nakasaad din sa mga alamat na may diwata na nangangalang Maria Sinukuan na natatagpuan sa bundok ng Arayat sa Pampanga at si Maria Cacao na mula naman sa bundok Lantoy sa Cebu.

Si Maria Makiling ang bantay ng bundok Makiling upang protektahan ang mga natural na yaman nito. Siya ay kalaban ng mga tao na kinakamkam ang kalikasan upang yumaman mula rito. Galit siya sa mga taong walang awang pinuputol ang mga kakahuyan sa kagubatan at nilalapastangan ang yaman ng kalikasan upang magkamal ng limpak-limpak na salapi.


Maraming ginawang mga pelikula ukol sa alamat ni Maria Makiling at halos lahat ng mga ito ay nag-iwan ng mahahalagang aral: pangalagaan at pagyamanin ang kalikasan. Si Maria Makiling ay isang simbolo ng kunsensiya ng mamayang Pilipino upang ipaalalala sa sambayanan ang halaga ng kalikasan.

Subali't habang lumalawak ang kaalaman ng tao, ang alamat ni Maria Makiling ay tila nawawala na sa diwa ng mga Pilipino.

Marahil na rin ito sa dalawang dahilan: kahirapan at pagiging gahaman. Ang dalawang situwasyon ay nagpapababa sa antas ng pagkatao ng karamihan sa atin.

Ang nasabing kamalian ay laganap kahit saan at patuloy na magaganap kapag walang pagbabago sa kalooban ng mga ganid at halang ang kaluluwa.

Marahil ay kailangang magparamdam muli si Maria Makiling, isang kunsensiya ng kabutihan at pagtutuwid sa baluktot na pamamaraan ng karamihan sa atin.

Ikaw kaibigan, kilala mo ba si Maria Makiling? Minsan ay nasa paligid mo lang siya. Minsan ay nasa tabi mo. Pero madalas ay naninirahan siya sa puso ng bawa't tao upang gisingin ang mga diwang tulog dahil sa kasamaan.

Comments

abby villa said…
magandang gabi sa iyo prinsesa...nagustuhan ko itong blog mo. di ko alam kung alin sa mga blog mo ang ninais mong tingnan ko, marami kang blog e. pero ito yong nakaakit sa akin. sa ngayon wala pa akong maibigay na mungkahi. sa mga darating na araw siguro kapag higit ko nang nakita ang iyong mga posts. ayos itong blog mo sa filipino ;>}}
Salamat Abby. Masaya ako sa iyong pagdalaw. Marami akong blog dahil ang puso ko ay gustong itala ang lahat ng nilalaman nito.

Nasasaiyo ang pagpili. Lahat ng blog ko ay nag-uugnay sa lahat ng aking mga kaibigan at isa ka na dito. Salamat sa iyong inspirasyon. :)
isang butil ng pangaral ang muli mong binigyang buhay kapatid,salamat sa makabuluhang pagsusulat nito!
Salamat Tessah sa iyong pagdalaw aking maalalahanin na kaibigan. :)
ai said…
ano po ang labana?
tunay ngang mahiwaga si mariang makiling. sa katunayan, may isinusulat akong artikulo tungkol sa kanya. mabuhay ka!
@ Ai:

Hello. Salamat sa iyong pagdalaw.

Lambana, hindi labana, na ang ibig sabihin sa wikang kanluran ay "fairy".

Matagumpay nawa ang iyong katha. :)
sol soñab said…
nasiyahan ako sa iyong kwentong ito lalot nagpapasabik sa akin ang lugar na gawa sa dyan ako nakatira sa Los Baños,Laguna.nagugunita ko ang ganda at kariktan ng bundok Maikiling sapagkat dyan ako ipinanganak ng aking mga magulang.sang ayon din ako sa kanta ni sampaguita kung saan ang mga litanya ay ang pag lalahad ng bundok ng Maria Makiling.mahusay ang ang iyong mga panulat hingil sa diwatang ito.busog sa aral at magsilbing aral sa kabataan ang kagandahan nya.isa ako sa anak ng bundok na ito.muling nagpupugay sa kagalingan mo.mabuhay ka princess!
Muli ay salamat aking kaibigan na Sol! Napangiti mo ako sa iyong pagdalaw. :-)

Popular posts from this blog

Nasaan na si Pedro Penduko?

\









Nasaan na si Pedro Penduko? Batid nating lahat na si Pedro penduko ay isang simbolismong hustisya na maituturing nating mabigat na pangangailangan ng bawa't mamamayang Pilipino.

Si Pedro Penduko ay mula sa mapagkathang isip ni Francisco V. Coching na unang pinakilala nito ang katauhan ni Penduko sa Liwayway Magazine. Si Penduko ay isang bayaning pinoy na mababasa sa mga libro at komiks at mapapanood sa telebsiyon at mga sinehan.

Ang tanging nakakaaliw sa konsepto ng "Pedro Penduko" ay ang karuwagan sa karakter nito nguni't handa naman siyang lumaban sa may masasamang kalooban.

Siya ay may hawak na anting-anting o (amulet) na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ba ito na ang katapangan ni Pedro ay wala sa kanyang pagkatao dahil umaasa lamang ito sa nasabing anting-anting?

Kung ating susuriin ang mensahe ng karakter na akda ni Conching, makikita natin na hindi handlang ang karuwagan sa pagkamit ng hustisya. Sa isang banda, dapat rin na…

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)

(Ito po ay larawan ni Apo Sultan Kudarat na nakipaglaban sa mga kastila)



Mga Sultans ng Maguindanao mula 1515 hanggang sa kasalukuyan.

Bago ko po ibahagi ang totoong listahan ng mga Sultans sa Maguindanao, nais ko po lamang ibahagi na ang nagtatag ng Sultanate ng Maguindanao ay si Shariff Muhammad Kabunsuan.

Si Shariff Muhammad Kabunsuan po ang great great grandfather ng aking   great grandfather na si Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat.


1.Shariff Muhammad Kabunsuan ( 1515)

2. Shariff Makaalang (1543)

3. Datu Bangkaya (1574)

4. Datu Dimasangkay Adil (1579-1584)

5. Datu Gogo Sarikula (1585-1597)

6. Kapitan Laut Buisan (1597-1619)

7. Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat I(1619-1671)

8. Sultan Mohamad Dundang Tidulay (1671-1672)

9. Sultan Muhammad Baranaman (1672-1699)

10.Sultan Jamalal Alam Kuda (1699-1702)

11. Sultan Bayanol Anuar (1702)

12. Sultan Jadar Sedik Manamin (1733)

13. Sultan Tahirudin Malinog (1736)

14. Sultan Pakir Maulana Kairodin Kamsa (1749)

15. Sultan Pakarudin Alma…