Skip to main content

Na-hostage sa sariling reputasyon






Malaki ang hampas ng ginawa ni Rolando Mendoza sa pambansang kapulisan ng Pilipinas. Hinila nitong pababa ang ating pan-daigdigang reputasyon, mula sa pagiging pala-utang, hanggang sa pananakop ng bus na sakay ay mga turista.

Hindi natin masisisi ang karamihan sa mga tsino na sabuyan ng masasakit ng salita ang mga Pilipino. Subali't mali naman na lahat tayo ay idamay. Hindi naman tayo puro mangmang.

Nais kong ibahagi ang aking patas na pagsusuri sa nasabing insidente. Patas, dahil mahirap na po kung makibahagi pa ako sa pagmumura ng karamihan. Hindi na maitutuwid ng mapapait na salita ang maling kaganapan, mula sa nang-hostage at ng mga nag-responde sa situwasyon.

Totoong matatapang ang ating mga kapulisan, subali't mas mahalaga ang usapang taktika sa mga katulad na krisis, hindi iyong sabog na katapangan. Dapat may sistema at matagal na pag-aaral ang binitiwang miyembro ng kapulisan upang tugunan ang nasabing kritikal na kaganapan.

Hindi bala at baril ang solusyon sa karamihan ng hostage situation kundi pamamaraang sikolohiyal na tutugon sa isang naliligaw na pag-iisip. Hindi puro alab ng damdamin kundi alab ng katiwasayan at kapayapaan ng negosasyon.

Ako po ay hindi pulis, pero sa mga pagkakataon na buhay ng mga tao ang nanganganib, bawa't minuto at kilos ay maselan...dapat magkadugtong ang hustisya sa karapatan ng lahat--ang nambiktima at ang mga biktima.


(Larawan mula sa Philippine Star)

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Marami sa atin ang naniniwala sa mga diwata. Isang pamana mula sa mga matatanda na nagsisilbing gabay upang itama ang isang mali.

Ang paglalahad na tumutukoy sa mga diwata, tulad ng Alamat ni Maria Makiling ay isang uri ng pananalamin upang hikayatin ang pagsusuri sa kalooban ng bawa't mamayan.

Ayon sa alamat, si Maria Makiling ay isang lambana na naninirahan sa bundok ng Makiling sa Laguna, dito sa Pilipinas. Si Makiling ang pinakatanyag na diwata sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas.

Bukod dito, may mga nakasaad din sa mga alamat na may diwata na nangangalang Maria Sinukuan na natatagpuan sa bundok ng Arayat sa Pampanga at si Maria Cacao na mula naman sa bundok Lantoy sa Cebu.

Si Maria Makiling ang bantay ng bundok Makiling upang protektahan ang mga natural na yaman nito. Siya ay kalaban ng mga tao na kinakamkam ang kalikasan upang yumaman mula rito. Galit siya sa mga taong walang awang pinuputol ang mga kakahuyan sa kagubatan at nilalapastangan ang yaman ng kalikasan upan…

Nasaan na si Pedro Penduko?

\









Nasaan na si Pedro Penduko? Batid nating lahat na si Pedro penduko ay isang simbolismong hustisya na maituturing nating mabigat na pangangailangan ng bawa't mamamayang Pilipino.

Si Pedro Penduko ay mula sa mapagkathang isip ni Francisco V. Coching na unang pinakilala nito ang katauhan ni Penduko sa Liwayway Magazine. Si Penduko ay isang bayaning pinoy na mababasa sa mga libro at komiks at mapapanood sa telebsiyon at mga sinehan.

Ang tanging nakakaaliw sa konsepto ng "Pedro Penduko" ay ang karuwagan sa karakter nito nguni't handa naman siyang lumaban sa may masasamang kalooban.

Siya ay may hawak na anting-anting o (amulet) na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ba ito na ang katapangan ni Pedro ay wala sa kanyang pagkatao dahil umaasa lamang ito sa nasabing anting-anting?

Kung ating susuriin ang mensahe ng karakter na akda ni Conching, makikita natin na hindi handlang ang karuwagan sa pagkamit ng hustisya. Sa isang banda, dapat rin na…

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)

(Ito po ay larawan ni Apo Sultan Kudarat na nakipaglaban sa mga kastila)



Mga Sultans ng Maguindanao mula 1515 hanggang sa kasalukuyan.

Bago ko po ibahagi ang totoong listahan ng mga Sultans sa Maguindanao, nais ko po lamang ibahagi na ang nagtatag ng Sultanate ng Maguindanao ay si Shariff Muhammad Kabunsuan.

Si Shariff Muhammad Kabunsuan po ang great great grandfather ng aking   great grandfather na si Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat.


1.Shariff Muhammad Kabunsuan ( 1515)

2. Shariff Makaalang (1543)

3. Datu Bangkaya (1574)

4. Datu Dimasangkay Adil (1579-1584)

5. Datu Gogo Sarikula (1585-1597)

6. Kapitan Laut Buisan (1597-1619)

7. Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat I(1619-1671)

8. Sultan Mohamad Dundang Tidulay (1671-1672)

9. Sultan Muhammad Baranaman (1672-1699)

10.Sultan Jamalal Alam Kuda (1699-1702)

11. Sultan Bayanol Anuar (1702)

12. Sultan Jadar Sedik Manamin (1733)

13. Sultan Tahirudin Malinog (1736)

14. Sultan Pakir Maulana Kairodin Kamsa (1749)

15. Sultan Pakarudin Alma…