Posts

Showing posts from January 11, 2009

Akda

Image
Nagsimula akong magsulat noong ako ay nasa kolehiyo. Mabulaklak at malalim ang mga salita sa ingles na gamit ko. Gustong gusto kong malalim ang dating ng bawa't titik ko dahil na rin siguro sa mataas ang inaasahan ng aming kolehiyo sa akin bilang editor-in-chief ng aming papel. Habang tumatagal ay lalong nagiging "intimidating" ang aking bawa't akda...at iyon ang aking pagkakamali. Noong ako ay naging manunulat na sa isang diyaryo sa aming bayan, nagising ako sa katotohanan na mali pala ang aking pamamaraan sa pagsusulat. Dapat pala ay hindi ko pahirapan ang aking mambabasa. Dapat pala ay ipaliwanag ko sa simpleng mga salita ang aking isip. Simple at hindi "abstract". Payo ko sa mga nais magsulat, laging gawing patakaran sa paglalahad ng damdamin at isip sa pamamaraang simple. Huwag pa-impress o mag-intimidate ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang mahirap intindihin, dahil para sa kanila, ang artikulong simple at madalin...