Ano ba ang Ginakit?
Ang Ginakit po sa kulturang Maguindanao ay isang pagpupunyagi sa kasarinlan ni Shariff Muhammad Kabungsuan, ang aking ninuno na siyang nagtayo, o bumuo ng Maguindanao Sultanate. Mula sa kanyang angkan nagmula si Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat. Ang "Ginakit" ay isa ring seremonya ng mga royal blood families para sa isang kasalan. Ito ay nagpapakita rin kung paano dumating si Shariff Kabunsuan sa Maguindanao. (Larawan ay pag-aari ni Princess Maleiha)