Ano Ang "Collateral Damage"?
Narinig mo na ba ang mga salitang ito- Collateral Damage ? Madalas ito ang dahilan ng mga militar kapag may malawak na digmaan na nagaganap at maraming buhay ng inosenteng sibilyan ang nadadamay. Ayon sa United States Department of Defense, ang "collateral damage" ay ang pagkasira ng mga bagay o pagkawala ng mga buhay ng tao na nadamay dahil sa isang digmaan. Ito raw ay hindi maituturing na hindi makatarungan. Bakit? Sapagka't ang mga buhay na nawala ay hindi inaasahan at hindi kasama sa adhikain ng digmaan laban sa mga itinuturing nilang kaaway. Malabo at nakalilito. Ang buhay ng isang tao ay hindi puwedeng ipagkibit balikat lamang dahil tanging Diyos lang ang may karapatan dito. Hindi kapwa niya tao at lalong-lalo na hindi dapat kitlin dahil sa isang digmaan. Hindi ko maiwasan na isipin na hindi kaya ang mga terminolohiyang ito-- collateral damage --ay sadyang pinanday upang may magagamit na depensa kapag maraming buhay ang nawala dahil sa digmaan? Na...