Buwayang Kamalayan
Malayang mag-isip si Jose kung ikukumpara sa ibang mga kabataan na tulad niya. Bakit nga ba tuwing kabataan ang pag-uusapan ay mabilis kumawala ang maling mga argumento tungkol dito. Mapusok at walang direksiyon. Iyan ang karaniwang pag-huhusga sa mga kabataan. Para bang lahat ng matatanda ay tuwid mag-isip at may direksiyon. Nakakatawa. Nakakapagod din ang karaniwang mag-isip. Ito ang mga utak na ayaw buksan ang iba pang bahagi ng rason sa kanilang munting daigdig. Mali at muling pagkakamali dahil sa baluktot na argumento. Ang Jose ng kahapon ay nabuo sa pagsisikap at pagtitiis. Punong-puno ng buhay at malayang kumilos upang tugunin ang layunin. Sa argumento at pamantayan ng iba, mali ang maging aktibista. Mali ang magsalita ng hindi sang-ayon sa batas dahil tatawagin kang makakanan o kalaban ng gobyerno. Bakit nga ba kapag mali ang pamamaraan ng liderato, subersibo ang tawag sa mga kritiko nito. Bakit may sari-sariling pananaw ang bawa't sektor ng lipun...