Ang Pangil Sa Lumang Diyaryo
ni Bai Maleiha B. Candao Nakilala ni Janet si Efren dahil sa isang kaibigan sa kolehiyo. Mabait na tao si Efren kaya madaling nahulog ang kalooban ni Janet dito. Hindi nagtagal ay naging malalim ang kanilang pagsasama hanggang sa nagyaya ng kasal si Efren. Dahil nga sa mahal na ito ni Janet ay hindi nagdalawang-salita ang lalaki. May kaya ang mga magulang ni Efren sa probinsiya. Nagpasiya ang mag-asawa na doon na manirahan dahil mahirap ang buhay sa lungsod. Sa probinsiya ay tiyak na kaya nilang pagyamanin ni Efren ang naiwan na kabuhayan ng mga magulang nito. Subali't salungat ang mga pananaw ng mga kaibigan ni Janet lalu't lalo na ang mga magulang nito. May hiwaga raw na bumabalot sa pagkatao ni Efren. Tahimik ito at madalas ay biglang nawawala tuwing pagsapit ng gabi. Eto ang naging obserbasyon ng mga kasamahan nito na kasamang nanirahan ni Efren sa Maynila sa isang dormitoryo. Bagama't may kaya ang mga magulang ni Efren ay pinili pa rin ni