Ander de Saya?

Ander ka daw? masama ba? Tao nga naman Makitid ang isip! Masunurin na asawa Akala kinakawawa Mapagmahal sila Maingat sa salita Mapag-arugang kilos Tanda ng respeto Sa asawang mahal Totoong lalaki ang mapagkumbaba Mahinahon sa kilos Pino at hindi gasgas Iniaalay ang puso sa asawang giliw sunod-sunuran man tanda ng pagmamahal