Posts

Showing posts from August 29, 2010

Na-hostage sa sariling reputasyon

Image
Malaki ang hampas ng ginawa ni Rolando Mendoza sa pambansang kapulisan ng Pilipinas. Hinila nitong pababa ang ating pan-daigdigang reputasyon, mula sa pagiging pala-utang, hanggang sa pananakop ng bus na sakay ay mga turista. Hindi natin masisisi ang karamihan sa mga tsino na sabuyan ng masasakit ng salita ang mga Pilipino. Subali't mali naman na lahat tayo ay idamay. Hindi naman tayo puro mangmang. Nais kong ibahagi ang aking patas na pagsusuri sa nasabing insidente. Patas, dahil mahirap na po kung makibahagi pa ako sa pagmumura ng karamihan. Hindi na maitutuwid ng mapapait na salita ang maling kaganapan, mula sa nang-hostage at ng mga nag-responde sa situwasyon. Totoong matatapang ang ating mga kapulisan, subali't mas mahalaga ang usapang taktika sa mga katulad na krisis, hindi iyong sabog na katapangan. Dapat may sistema at matagal na pag-aaral ang binitiwang miyembro ng kapulisan upang tugunan ang nasabing kritikal na kaganapan. Hindi bala at baril ang ...