Posts

Showing posts from April 5, 2012

Multo Sa Aking Gunita

Image
Ayaw ko na po ang paglalaban sa aming probinsiya sa Maguindanao.  Ang multo po sa aking gunita ay ayaw akong iwan.  Mga larawang kuha noong 2000 sa probinsiya ng Maguindanao sa evacuation centers nito.  Kuha po ito ng The New Mindanao Kris, isang community paper na aking hinawakan upang mabahagi ang mga pangyayari sa aming komunidad ukol sa kapayapaan at kawalan nito.

Pagdamay Mula sa Puso

Image
              (Larawan po ito ng aking charity group na Tabang Maguindanao Bayanihan) Mahirap maintindihan ang ibig sabihin ng pangangailangan sa pagkain, sapat na health services, pagmamahal sa kapwa at pagdamay sa mga taong tunay na nangangailangan kapag nasasaiyo ang lahat ang yaman sa mundo. Maaaring mabibili mo ang kulang sa iyo pero ang tunay na pagdamay sa kapwa ay isang aginaldo mula sa Maykapal. Bakit? Kasi mayroong espesyal na bahagi ang kanilang mga puso, tenga at kamalayan. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong kislap sa kanilang mga mata dahil hindi sila bulag sa kaapihan ng iba dahil sa kahirapan. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong awit sa kanilang pandinig dahil kanilang naririnig ang paghingi ng saklolo ng mga walang kakayahan na punan ang kawalan nila. Maaaring ang mga taong ito ay mayroong pambihirang tibok ang kanilang mga puso dahil sa taglay nilang pagmamahal bawa't m...