Posts

Showing posts from March 1, 2009

Nasaan na si Pedro Penduko?

Image
\ Nasaan na si Pedro Penduko ? Batid nating lahat na si Pedro penduko ay isang simbolismo ng hustisya na maituturing nating mabigat na pangangailangan ng bawa't mamamayang Pilipino. Si Pedro Penduko ay mula sa mapagkathang isip ni Francisco V. Coching na unang pinakilala nito ang katauhan ni Penduko sa Liwayway Magazine. Si Penduko ay isang bayaning pinoy na mababasa sa mga libro at komiks at mapapanood sa telebsiyon at mga sinehan. Ang tanging nakakaaliw sa konsepto ng "Pedro Penduko" ay ang karuwagan sa karakter nito nguni't handa naman siyang lumaban sa may masasamang kalooban. Siya ay may hawak na anting-anting o (amulet) na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ba ito na ang katapangan ni Pedro ay wala sa kanyang pagkatao dahil umaasa lamang ito sa nasabing anting-anting? Kung ating susuriin ang mensahe ng karakter na akda ni Conching, makikita natin na hindi handlang ang karuwagan sa pagkamit ng hustisy...