Ang Matiyaga ay may patutunguhan
Marami ang nagsabi na ang paulit-ulit na gawain ay isang katangahan. Ang pagiging makulit raw ay walang patutunguhan. Tama kaya iyon? Paliit ng paliit ang mundo ng internet. Mabuti na lang at ako ay siguradong nakayakap sa mga totoong kaibigan ko online. Simple lang naman po ako, laging para sa totoo. Para sa mga totoong tao ay ibibigay ko ang puso ko sa mga ipinaglalaban ang totoo. Hindi naman lahat ng totoo ay tama pero ang pagtanggap na ito ay iyong nararamdaman o nakikita ay pag-amin na banal. Mahirap maging totoo sa isang mundo na maskara ang sinasamba. Nakakapagod din ang katotohanan. Halimbawa na lang ay ang paulit-ulit na pagtanggap sa buhay na iyong pinili. Minsan ay posibleng nagnasa kang makawala dito pero sakop ka ng batas ng tao at Diyos kaya wala kang magawa kung hindi tanggapin ito. Sino ba iyong nagsabi ng ang pagkabaliw ay paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay at inaasahang may pagbabago dito? Si Albert Eisntein. Aniya: Insanity is doing ...