Maria Makiling
Marami sa atin ang naniniwala sa mga diwata. Isang pamana mula sa mga matatanda na nagsisilbing gabay upang itama ang isang mali. Ang paglalahad na tumutukoy sa mga diwata, tulad ng Alamat ni Maria Makiling ay isang uri ng pananalamin upang hikayatin ang pagsusuri sa kalooban ng bawa't mamayan. Ayon sa alamat, si Maria Makiling ay isang lambana na naninirahan sa bundok ng Makiling sa Laguna, dito sa Pilipinas. Si Makiling ang pinakatanyag na diwata sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas. Bukod dito, may mga nakasaad din sa mga alamat na may diwata na nangangalang Maria Sinukuan na natatagpuan sa bundok ng Arayat sa Pampanga at si Maria Cacao na mula naman sa bundok Lantoy sa Cebu. Si Maria Makiling ang bantay ng bundok Makiling upang protektahan ang mga natural na yaman nito. Siya ay kalaban ng mga tao na kinakamkam ang kalikasan upang yumaman mula rito. Galit siya sa mga taong walang awang pinuputol ang mga kakahuyan sa kagubatan at nilalapastangan ang yaman n...