Nasaan na si Pedro Penduko?


\









Nasaan na si Pedro Penduko? Batid nating lahat na si Pedro penduko ay isang simbolismo ng hustisya na maituturing nating mabigat na pangangailangan ng bawa't mamamayang Pilipino.

Si Pedro Penduko ay mula sa mapagkathang isip ni Francisco V. Coching na unang pinakilala nito ang katauhan ni Penduko sa Liwayway Magazine. Si Penduko ay isang bayaning pinoy na mababasa sa mga libro at komiks at mapapanood sa telebsiyon at mga sinehan.

Ang tanging nakakaaliw sa konsepto ng "Pedro Penduko" ay ang karuwagan sa karakter nito nguni't handa naman siyang lumaban sa may masasamang kalooban.

Siya ay may hawak na anting-anting o (amulet) na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanya. Nagpapahiwatig lamang ba ito na ang katapangan ni Pedro ay wala sa kanyang pagkatao dahil umaasa lamang ito sa nasabing anting-anting?

Kung ating susuriin ang mensahe ng karakter na akda ni Conching, makikita natin na hindi handlang ang karuwagan sa pagkamit ng hustisya. Sa isang banda, dapat rin nating ipaglaban ang kabutihan na hindi umaasa sa isang anting-anting sapagkat't ito ay mula sa labas ng ating pagkatao.

Batid nating lahat na ang pinakamahalagang agimat na kinakailangan nating dalhin sa ating mga puso at isip ay ang taimtim na pananampalataya sa Maykapal upang tayo ay Kanyang gabayan sa tama at kabutihan.

Comments

Anonymous said…
panalo ang pagkakapaliwanag mo dito...malinis at tama sa tema ng mambabasa.pagpatuloy mo ito at nakaktulong ka sa kapwa mo.ika nga anu mang unos o bagyo ang dumating sa atin kung tayoy mang lulupaypay lamang at kulang sa panalangin mabubuwag ang anu mang iyong hangarin lalot wala ka sa kawan ng Poong Maykapal.
Salamat sa inspirasyon,kabayan! :-)

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)