Na-hostage sa sariling reputasyon






Malaki ang hampas ng ginawa ni Rolando Mendoza sa pambansang kapulisan ng Pilipinas. Hinila nitong pababa ang ating pan-daigdigang reputasyon, mula sa pagiging pala-utang, hanggang sa pananakop ng bus na sakay ay mga turista.

Hindi natin masisisi ang karamihan sa mga tsino na sabuyan ng masasakit ng salita ang mga Pilipino. Subali't mali naman na lahat tayo ay idamay. Hindi naman tayo puro mangmang.

Nais kong ibahagi ang aking patas na pagsusuri sa nasabing insidente. Patas, dahil mahirap na po kung makibahagi pa ako sa pagmumura ng karamihan. Hindi na maitutuwid ng mapapait na salita ang maling kaganapan, mula sa nang-hostage at ng mga nag-responde sa situwasyon.

Totoong matatapang ang ating mga kapulisan, subali't mas mahalaga ang usapang taktika sa mga katulad na krisis, hindi iyong sabog na katapangan. Dapat may sistema at matagal na pag-aaral ang binitiwang miyembro ng kapulisan upang tugunan ang nasabing kritikal na kaganapan.

Hindi bala at baril ang solusyon sa karamihan ng hostage situation kundi pamamaraang sikolohiyal na tutugon sa isang naliligaw na pag-iisip. Hindi puro alab ng damdamin kundi alab ng katiwasayan at kapayapaan ng negosasyon.

Ako po ay hindi pulis, pero sa mga pagkakataon na buhay ng mga tao ang nanganganib, bawa't minuto at kilos ay maselan...dapat magkadugtong ang hustisya sa karapatan ng lahat--ang nambiktima at ang mga biktima.


(Larawan mula sa Philippine Star)

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)