Buwayang Kamalayan







Malayang mag-isip si Jose kung ikukumpara sa ibang mga kabataan na tulad niya.

Bakit nga ba tuwing kabataan ang pag-uusapan ay mabilis kumawala ang maling mga argumento tungkol dito. Mapusok at walang direksiyon. Iyan ang karaniwang pag-huhusga sa mga kabataan. Para bang lahat ng matatanda ay tuwid mag-isip at may direksiyon.

Nakakatawa.

Nakakapagod din ang karaniwang mag-isip. Ito ang mga utak na ayaw buksan ang iba pang bahagi ng rason sa kanilang munting daigdig. Mali at muling pagkakamali dahil sa baluktot na argumento.

Ang Jose ng kahapon ay nabuo sa pagsisikap at pagtitiis. Punong-puno ng buhay at malayang kumilos upang tugunin ang layunin. Sa argumento at pamantayan ng iba, mali ang maging aktibista. Mali ang magsalita ng hindi sang-ayon sa batas dahil tatawagin kang makakanan o kalaban ng gobyerno.

Bakit nga ba kapag mali ang pamamaraan ng liderato, subersibo ang tawag sa mga kritiko nito. Bakit may sari-sariling pananaw ang bawa't sektor ng lipunan na nakabase sa interest na pinuproktetahan nito.

OO nga naman, puno ng kulay ang ating masa. May pula, dilaw, berde at kamalayang itim. Asan ka dito?

Karamihan sa mga manunuri ay may dahilan din upang punain. Baluktot na katuwiran ay ginagamit upang itama ang pansariling adhikain na sumasagot lamang sa buwayang kamalayan.

Ang inyong manunulat po ay tinatawag ang isang pag-iisip na "buwayang kamalayan" kapag ito ay sumasagot lamang sa pansariling pangangailangan.

Napakaraming ehemplo nito. Buksan at basahin ang pahina ng mga peryodiko at naroroon ang mga kasagutan.

Ang Jose sa artikulong ito ay maaaring ikaw, siya, sila o tayo. Gumagalaw tayong lahat sa isang demonstrayon ng pag-iisip na tila maayos sa panlabas nguni't kalakip nito ay baluktot at mala-buwayang kamalayan.

Nguni't kaya mong makawala.

Simulan mo na kaibigan.


Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Ano ba ang Ginakit?