Ang Matiyaga ay may patutunguhan






Marami ang nagsabi na ang paulit-ulit na gawain ay isang katangahan.

Ang pagiging makulit raw ay walang patutunguhan. Tama kaya iyon?

Paliit ng paliit ang mundo ng internet.

Mabuti na lang at ako ay siguradong nakayakap sa mga totoong kaibigan ko online.


Simple lang naman po ako, laging para sa totoo.

Para sa mga totoong tao ay ibibigay ko ang puso ko sa mga ipinaglalaban ang totoo.

Hindi naman lahat ng totoo ay tama pero ang pagtanggap na ito ay iyong nararamdaman o nakikita ay pag-amin na banal.

Mahirap maging totoo sa isang mundo na maskara ang sinasamba.

Nakakapagod din ang katotohanan.

Halimbawa na lang ay ang paulit-ulit na pagtanggap sa buhay na iyong pinili.

Minsan ay posibleng nagnasa kang makawala dito pero sakop ka ng batas ng tao at Diyos kaya wala kang magawa kung hindi tanggapin ito.

Sino ba iyong nagsabi ng ang pagkabaliw ay paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay at inaasahang may pagbabago dito? Si Albert Eisntein.

Aniya: Insanity is doing the same thing over and over again and expecting different results.

Oo nga naman.

Pero huwag ninyong kalimutan na meron din patutunguhan ang kabaliwan.

Halimbawa ay ang paulit-ulit na pagwika sa iisang katotohanan at ito ay maging institutisyon na hindi na kayang burahin ng agos ng buhay.

Ang pagnanais nating makita ng pulido ang gawa sa isang bagay ay ang paulit-ulit na gawa ng kamay o makina upang ang orihinal na estado nito ay nababago ayon sa ating panlasa.

Huwag kayong maniwala na ang paulit-ulit na gawa ay walang patutunguhan..ito ay meron nababago.

Kahit maliit man lang, ito ay may nababago.


Nakakapagod din ang umasa.

Alam ko iyon dahil ako po ay maraming taong ng nagsusulat ukol sa kapayapaan sa Mindanao, parang insanity nga dahil sa paulit-ulit na pangako ng mga dumaan ng administrasyon kahit laging napapako, pero patuloy pa rin ang mga kapwa ko Muslim umaasa sa pagbabago.

Simple lang po ang laman ng aking kuwento sa araw na ito. Umasa at huwag mawalan ng pag-asa.

May nababago na makakamit sa pamamagitan ng tiyaga at taimtim na dasal.

Meron magbabago kapag ang puso mo ang magsasabi nito.

Meron mga tao at bagay na minsan ay kailangan nating bigyan ng mahabang panahon ng tiyaga, pang-unawa at pagmamahal upang ang isang umaga ng pagbabago ay ating makikita.

Salamat po sa inyong panahon. 

Ingat po kayo. :)


Comments

Unknown said…
tinoerAng pagiging matiyaga at masigasig ay susi sa tagumpay.

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)