Maganda ka ba?









Ano ba ang konsepto mo ng ganda? Matangos na ilong, makinis at maputing balat at mala-gitarang hugis ng katawan? 

Napapalingon ba ang mga lalaki o humahaba ang leeg sa kahahabol ng tingin sa iyo? 

Madalas ka bang maligawan o di kaya ay nagugustuhan ng mga kaibigan mo at hindi nila kayang maging kaibigan mo lang? OO ba? Hmm, maganda ka nga at kaakit-akit pa.


Malinis ba ang kalooban mo? 

Naiinggit ka ba sa mas maganda sa iyo? 

Gusto mo bang meron ka rin tulad ng pag-aari ng iba? 

Gusto mo bang lagi kang lamang sa iba, sa damit, sapatos, bag at mga iba pang layaw ng katawan? 

Ikaw ba iyong tipo na sarili muna bago ang iba?  

OO ba? Hmmm, maganda ka nga ba?

Totoo ka ba o madalas kang nagkukunwari sa harap ng iba? 

Madalas ka bang ngumingiti subali't kapag nakatalikod ang iba ay nagkakalat ka ng masasamang salita ukol sa kanila? 

Bolera ka ba? Lagi kang nagsasabi ng hindi totoo para mabilog mo lang ang ulo ng iba? Hmmm, maganda ka nga bang talaga?

Matalino ka ba? Maaaring oo, pero hindi ka totoo. 

Kaakit-akit ka nga, maaaring totoo pero hindi ka mabait.

Sa aking palagay ay hindi ka maganda.

Comments

Ang tunay na kagandahan ay nasa puso, nasa kalooban. Tatanda at papangit din ang panlabas na kaanyuan ng tao pero hindi ang kagandahan ng kanyang kalooban. Ito ay lalong sumisidhi sa pagdaan ng panahon. Mawala man siya ay mananatili ang kanyang kagandahan sa isipan ng mga nakakikilala sa kanya. Thanks for the provoking post. God bless you always.
Tama ka Mel.Nasa kagandahan ng pagkatao ang tunay na diwa ng pagiging "maganda".

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)