Mulat at pagmumulat..





Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging "mulat" ? Ito ba ay simpleng pagbukas ng mata?

Ito ba ay simpleng pag-alis ng piring sa mga matang walang nakikita?


Ang mulat na tao ay gising ang diwa at alam ang kilos. Pinipili ang pinapakinggan at winawasto ang kasinungalingan. Maraming mga tao ang nagkukunwaring may magandang adhikain sa bayan, nguni't sa kabila nito ay kabaligtaran.


Mabulaklak na salita ay hindi papasa, kapag ang kalooban ay naagnas na parang bangkay. Animo ay tulad ng naisawalat ng "imbestigador", isang paborito kong palabas sa telebisyon tuwing sabado ng gabi na hatid ni Mike Enriquez.
Gustong gusto ko ang linya ni Enriquez : "hindi ko kayo tatantanan!".


Naalaala mo pa ba ang isang isyu ukol sa mga bangkay na naaagnas na sa loob ng isang morge dahil sa kawalan ng pondo? Heto tayo, isinusulong ang karapatan ng buhay, subali't lantad ang katotohanan na pati ang mga namayapa na ay hindi mabigyan ng katarungan.


Ang "pagmumulat" po ay panawagan, puwedeng paulit-ulit na salita upang ang diwa ay magising o di kaya ay paglalantad sa maruming katotohanan sa paraan na hindi naman labag sa karapatan ng iba.

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)