Alon





Umaalog-alug. Alon ng buhay at kabihasnan. Ramdam mo ba ang hampas ng katotohanan? Huwag sanang baluktutin ang kuwento at bigyang laya ang inosenteng mukha ng mga kaganapan.

Isang simpleng idolohiya ng katotohanan: ang tao ay hindi perpekto kaya siya ay nagkakamali. Ang tinutukoy na kamalian ay maitutuwid dahil ang tao ay may kakayahan upang baguhin ang kanyang pananaw. Ang isip ay hari ng pagkatao, kaya niyang gumawa at pumatay ng idolohiya. Mabubuhay ang isang paninindigan hindi dahil sa lakas ng katawan kung hindi dahil sa kaisipan.

Nakalimutan mo na ba si Apolinario Mabini, ang utak ng katipunan? Mahina ang mga katawan subali't ang kanyang kaisipan ang nagpatakbo sa isang idolohiya ng nagbigay laya sa mga mamayang Pilipino. Ang gawa ay kulang. Ang isip ay lamang.

Pagsamahin ang dalawang kakayahan at ikaw ay makabubuo ng ugnayan na magtutulak sa pagsagawa ng isang pagkilos.

Ang alon ng buhay ay nasa hampas ng iyong isip. Lulutang at lulutang ka kapag ikaw ay nasa panig ng katarungan.

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)