Isdang Bilasa Nakakabalisa!


 









Salapi o kalusugan? Pagmamahal sa kapwa o pansariling kasiyahan? Alin ang mas mahalaga para sa iyo?

Mga tanong na madaling sagutin para sa taong may gintong kalooban. Salungat naman ito doon sa mga taong walang pagmamahal sa kapwa.

Masakit ang katotohanan lalo na kapag ito ay nakalalason.

Umiiral na naman ang pagkagahaman ng ilan sa atin. Masisisi ba ninyo ako kung maiinis ako sa ilan sa mga masisibang nagbebenta ng isda sa palengke?

Hindi ko po nilalahat. Meron pong ilang mangangalakal ng isda sa palengke ang may ginagawang "milagro" upang maibenta lamang ang kanilang mga paninda.

Kagabi po ay napanood ko sa "Imbestigador" ni Mike Enriquez na ilan sa mga isdang binebenta sa palengke ay nilalagyan ng de-kulay na kemikal upang MAGMUKHANG SARIWA ANG MGA ITO. 

Ang kanilang dahilan: upang mabenta kahit bilasa na.

Alam po ba ninyo kung ano ang hinahalo nilang kemikal sa tubig upang ang kulay ng naturang isda ay mangibabaw at magmukhang sariwa? CHLOROX!

Oh lalala! Isa itong nakakalason na kemikal at tiyak na masama sa kalusugan. Bakit kaya ang ilan sa ating mga kababayan ay walang puso? Magkapera lang ay walang habag na gagawin ang lahat kahit ikapapahamak pa ng karamihan!

Mag-ingat po lamang sa nasabing operasyon ng ilan sa mga mangangalakal sa palengke. Huwag po kayo basta bumibili kung hindi po kayo sigurado sa kalidad at kalinisan ng mga ito.

Mas mahalaga po na kilala ninyo ang nagbebenta ng isda at sariwa pa ang mga ito mula sa dagat. Alam ko pong ang nais ng karamihan sa atin ay isda ang nasa hapag kainan. Doon po sa umiiwas na magkasakit ng alta-presyon, ay tiyak na magkakasakit ng malala kapag ang nakain nila ay mga isda na babad sa chlorox.

Mag-ingat lamang po. Pagpapaalala lamang po ang sa akin.

Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)