Kurot sa Kalamnan




Masakit..masakit talaga dito sa aking puso na makita ang kapwa ko Muslim na naliligo sa sariling dugo dahil sa kagagawan ng Israel na ginagamit ang maling idolohiya at isulong ang isang agenda na pampulitika.

Katulad na lamang ng kaganapan sa Gaza, sa pagpatay sa mga Muslims sa Palestine na matagal ng nagaganap. Nag-tengang kawali lamang ang Israel sa panawagan ng United Nations at iba pang Islamic countries na itigil ang opensiba sa mga sibilyan sa Palestine, dahil para sa Israel, ang Gaza war ay isang tagumpay para sa kanilang baluktot na paniniwala.

Isa sa mga naging biktima ng nasabing karahasan sa Gaza ay isang limang buwan na sanggol na nag-iisang anak ng mag-asawang Palestino na hindi nabiyayaan ng anak sa mahabang taon, at nang lumabas ang kanilang anghel, ito ay mamamatay lamang sa isang masakit na paraan.

Idolohiya laban sa idolohiya? Sabihin mo nga sa akin kaibigan kung makatarungan ba ang idolohiya na may karahasan at walang-awang pagpatay sa mga walang kalaban-laban na sibilyan.

Ang pang-aapi sa mga Muslim na walang kasalanan ay hindi kailanman makatarungan. Katulad din iyan ng mga Muslim na mang-aapi sa mga inosenteng mamamayan. Kahit ano pa mang lahi o relihiyon, isang malaking kasalanan sa maykapal na idamay ang mga inosente at walang kamuwang-muwang sa karahasan.

Kinukurot ang aking kalamnan, pinipiga ang aking puso tuwing aking pagmasdan ang kanilang pagdurusa.

Hindi iyan naiiba sa nangyaring kaguluhan sa Marawi City na ikinasawi ng maraming mamamayan na Muslim. Ito ay nagsimula sa buwan ng mayo ng kasalukuyang taong 2017.

Sinimulan ito ng Maute group na sinasabing kaalyado ng ISIS. Naghagis sila ng lagim sa Islamic City ng Marawi sa araw ng Ramadhan. Maling mali.

Isang bagay na nagpapatunay lamang na ang kanilang pananaw ay taliwas o salungat sa turo ng Islam o sa Sunnah ng Prophet Muhammad.

Iyan ang dahilan kung bakit hindi nila makuha ang simpatya ng nakararaming mga Muslim sa Mindanao.

Ayon sa report ay marami ng sibilyan ang naging biktima ng paglalaban sa pagitan ng sundalo ng gobyerno at ng Maute group.

Masakit na kapwa Muslim ang nagpapahirap sa kapareho nilang Muslim.

Pero ito ang tanong: Sila ba ay talagang Muslim?

Ang kanilang karahasan ay labag sa Islam. Maaaring sa pangalan sila lang Muslim pero hindi sa diwa at gawa.


Comments

Popular posts from this blog

Maria Makiling

Nasaan na si Pedro Penduko?

Mga Sultans Ng Maguindanao (1515 to present)