Posts

Alon

Image
Umaalog-alug . Alon ng buhay at kabihasnan. Ramdam mo ba ang hampas ng katotohanan? Huwag sanang baluktutin ang kuwento at bigyang laya ang inosenteng mukha ng mga kaganapan. Isang simpleng idolohiya ng katotohanan: ang tao ay hindi perpekto kaya siya ay nagkakamali. Ang tinutukoy na kamalian ay maitutuwid dahil ang tao ay may kakayahan upang baguhin ang kanyang pananaw. Ang isip ay hari ng pagkatao , kaya niyang gumawa at pumatay ng idolohiya. Mabubuhay ang isang paninindigan hindi dahil sa lakas ng katawan kung hindi dahil sa kaisipan. Nakalimutan mo na ba si Apolinario Mabini, ang utak ng katipunan? Mahina ang mga katawan subali't ang kanyang kaisipan ang nagpatakbo sa isang idolohiya ng nagbigay laya sa mga mamayang Pilipino. Ang gawa ay kulang. Ang isip ay lamang. Pagsamahin ang dalawang kakayahan at ikaw ay makabubuo ng ugnayan na magtutulak sa pagsagawa ng isang pagkilos. Ang alon ng buhay ay nasa hampas ng iyong isip. Lulutang at lulutang ka kapag ikaw ay...

Isdang Bilasa Nakakabalisa!

Image
  Salapi o kalusugan? Pagmamahal sa kapwa o pansariling kasiyahan? Alin ang mas mahalaga para sa iyo? Mga tanong na madaling sagutin para sa taong may gintong kalooban. Salungat naman ito doon sa mga taong walang pagmamahal sa kapwa. Masakit ang katotohanan lalo na kapag ito ay nakalalason. Umiiral na naman ang pagkagahaman ng ilan sa atin. Masisisi ba ninyo ako kung maiinis ako sa ilan sa mga masisibang nagbebenta ng isda sa palengke? Hindi ko po nilalahat. Meron pong ilang mangangalakal ng isda sa palengke ang may ginagawang "milagro" upang maibenta lamang ang kanilang mga paninda. Kagabi po ay napanood ko sa "Imbestigador" ni Mike Enriquez na ilan sa mga isdang binebenta sa palengke ay nilalagyan ng de-kulay na kemikal upang MAGMUKHANG SARIWA ANG MGA ITO.  Ang kanilang dahilan: upang mabenta kahit bilasa na. Alam po ba ninyo kung ano ang hinahalo nilang kemikal sa tubig upang ang kulay ng naturang isda ay mangibabaw at magmukhang s...

Multo

Image
Nagbabalik na kaluluwa? Taong 2008, sa Davao City. Bandang alas dose ng gabi. Tulog na tulog na ako pero ako ay ginising ng ingay mula sa banyo. Panay ang agos ng tubig. Akala ko ay naliligo ang nasa kabilang kuwarto kung saan ako at aking babaeng pinsan ay nanuluyan. Pinatanong ko sa aking pinsan kung may tao ba sa katabing kwarto. Wala raw sabi nila. Ang aming natulugan ay nasa dulo ng nasabing establisyemento. Ang ingay. Walang tigil ang agos ng tubig. Tumayo ako sa aking kama at aking tinignan. Walang umaagos na tubig at walang bukas na gripo. Ako ay kinilabutan. Nang kami ay nakauwi na sa Cotabato City ay nagtext sa akin ang aking pinsan. Eto ang buod ng text niya. "May pinatay daw na babae sa loob ng kuwarto na iyon". Kaya pala. Humihingi ng saklolo. Kawawa naman.

Maria Makiling

Image
Marami sa atin ang naniniwala sa mga diwata. Isang pamana mula sa mga matatanda na nagsisilbing gabay upang itama ang isang mali. Ang paglalahad na tumutukoy sa mga diwata, tulad ng Alamat ni Maria Makiling ay isang uri ng pananalamin upang hikayatin ang pagsusuri sa kalooban ng bawa't mamayan. Ayon sa alamat, si Maria Makiling ay isang lambana na naninirahan sa bundok ng Makiling sa Laguna, dito sa Pilipinas. Si Makiling ang pinakatanyag na diwata sa kasaysayan ng mga alamat sa Pilipinas. Bukod dito, may mga nakasaad din sa mga alamat na may diwata na nangangalang Maria Sinukuan na natatagpuan sa bundok ng Arayat sa Pampanga at si Maria Cacao na mula naman sa bundok Lantoy sa Cebu. Si Maria Makiling ang bantay ng bundok Makiling upang protektahan ang mga natural na yaman nito. Siya ay kalaban ng mga tao na kinakamkam ang kalikasan upang yumaman mula rito. Galit siya sa mga taong walang awang pinuputol ang mga kakahuyan sa kagubatan at nilalapastangan ang yaman n...

Kababalaghan

Image
Naniniwala po ba kayo sa kababalaghan? Totoo kaya ito o bahagi lamang ng malikot na imahinasyon ng mga manunulat sa komiks o sa mga nakatatakot na palabas sa telebisyon. Maaaring salungat ang isasagot ko sa iyong inaasahan. Maaaring ang aking opinyon ay tugma sa mga nababasa mo sa komiks, libro o pahayagan at napapanood sa telebisyon. Opo, ako ay naniniwala sa kababalaghan. Marami po kasing mga kababalaghan dito sa mundo na mahirap ipaliwanag ng siyensiya. May mga kuwentong kathang-isip lamang, meron naman totoo. Ito ay nagpapakita na bukod sa ating mga tao na nilikha ng Diyos, ay meron ding mga nilalang na sadyang nilikha upang subukan ang tatag ng ating pananampalataya. Sa relihiyon na Islam ay kinikilala nito ang mga nilalang na tinatawag na "Jinn". Sadyang nilikha sila ni Allah na parang mga tao rin. Meron silang pamilya at nagkakagusto rin sila sa mga tao. Subali't sila ay nilikha mula sa apoy kaya karamihan sa kanila ay mapusok at laging may naga...

Ano Ang "Collateral Damage"?

Image
Narinig mo na ba ang mga salitang ito- Collateral Damage ? Madalas ito ang dahilan ng mga militar kapag may malawak na digmaan na nagaganap at maraming buhay ng inosenteng sibilyan ang nadadamay. Ayon sa United States Department of Defense, ang "collateral damage" ay ang pagkasira ng mga bagay o pagkawala ng mga buhay ng tao na nadamay dahil sa isang digmaan. Ito raw ay hindi maituturing na hindi makatarungan. Bakit? Sapagka't ang mga buhay na nawala ay hindi inaasahan at hindi kasama sa adhikain ng digmaan laban sa mga itinuturing nilang kaaway. Malabo at nakalilito. Ang buhay ng isang tao ay hindi puwedeng ipagkibit balikat lamang dahil tanging Diyos lang ang may karapatan dito. Hindi kapwa niya tao at lalong-lalo na hindi dapat kitlin dahil sa isang digmaan. Hindi ko maiwasan na isipin na hindi kaya ang mga terminolohiyang ito-- collateral damage --ay sadyang pinanday upang may magagamit na depensa kapag maraming buhay ang nawala dahil sa digmaan? Na...

Akda

Image
Nagsimula akong magsulat noong ako ay nasa kolehiyo. Mabulaklak at malalim ang mga salita sa ingles na gamit ko. Gustong gusto kong malalim ang dating ng bawa't titik ko dahil na rin siguro sa mataas ang inaasahan ng aming kolehiyo sa akin bilang editor-in-chief ng aming papel. Habang tumatagal ay lalong nagiging "intimidating" ang aking bawa't akda...at iyon ang aking pagkakamali. Noong ako ay naging manunulat na sa isang diyaryo sa aming bayan, nagising ako sa katotohanan na mali pala ang aking pamamaraan sa pagsusulat. Dapat pala ay hindi ko pahirapan ang aking mambabasa. Dapat pala ay ipaliwanag ko sa simpleng mga salita ang aking isip. Simple at hindi "abstract". Payo ko sa mga nais magsulat, laging gawing patakaran sa paglalahad ng damdamin at isip sa pamamaraang simple. Huwag pa-impress o mag-intimidate ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang mahirap intindihin, dahil para sa kanila, ang artikulong simple at madalin...